^

Pang Movies

Marco nag-aaya ng SaturDATE!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mamarkahan ng legendary balladeer na si Marco Sison ang unang quarter ng 2020 sa series of shows sa Teatrino sa Promenade, Greenhills sa Marso 14, 21, at 28 na pinamagatang An 80s SaturDATE with Marco Sison.

Sa ilalim ng direksyon ni Calvin Neria at musical direction ni Bobby Gomez, isang must-see musical spectacle ang 80s SaturDATE at ito rin ang naghuhudyat sa kauna-unahang major, solo concert ni Marco ngayong 2020.

Sa kanyang kamangha-manghang karera na tumatakbo na ng mahigit na apat na dekada, kinikilala si Marco ‘di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin bilang isa sa mga haligi ng OPM dahil sa kanyang mga mammoth hits gaya ng My Love Will See You Through, Si Aida, O Lorna, O Si Fe, I’ll Face Tomorrow, Make Believe at marami pang iba.

Ang 80s SaturDATE rin ang highly-anticipated follow-up project ni Marco matapos ang kanyang matagumpay na kulaborasyon kasama ang kapwa iconic artists na sina Rey Valera at Dulce sa kanilang Beyond Timeline concert, na idinaos late last year sa isang SRO crowd sa Music Museum.

Kapwang kapananabikan ng loyal fans ni Marco ang mga music sa espesyal na concert series na ito sapagkat live na live niyang aawitin ang mga homegrown ballads ng dekada 80, mga anthemic love songs, kanyang mga hits, at sa kauna-unahang pagkakataon aawitin niya ang mga dance tunes ng dekada 80 upang tumodo sa party ang mga manonood.

“Very excited ako to perform in this series. Masaya ito dahil very intimate venue ang Teatrino and his will give me the opportunity to bond and interact with the audiences,” sabi Marco. “Matagal na rin mula ng nag-perform ako sa isang concert series and I’m looking forward to spend my Saturdays with my fans and perform with my special guests.”

Makakasama ni Marco bilang special guests niya sina Dulce at George Castro sa Marso 14, Rey Valera sa Marso 21, at Kuh Ledesma sa Marso 28.

Produksyon ng Echo Jham Entertainment Productions ang An 80s Sa­turDATE With Marco Sison. Para sa tikets kontakin ang TicketWorld sa 8891-9999 o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph o kontakin ang Music Museum at 87212949 or 87216726.

vuukle comment

MARCO SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with