^

Tom pinapa-extend sa Love...!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 28, 2020 - 12:00am

Love ng netizens na sumusubaybay sa Love of My Life ang isa sa mga bida na si Tom Rodriguez. May pakiusap sila na huwag patayin ang character ni Stefano na ginagampanan ni Tom. Sayang daw dahil maganda ang story ng serye at pampamilya talaga.

At kahit gabi na ang time slot nito na ipina­lalabas, nagri-rate ito.

Sa story kasi ay anak ni Isabella ( Coney Reyes) si Stefano, mahal na mahal niya ang panganay na anak na napakabait, kabaligtaran ng tinuturing niyang black sheep ng pamilya si Nikolai (Mikael Daez). 

Na-in love si Stefano kay Adelle (Carla Abellana) na may anak sa first husband nito na namatay na, si Andrei, na itinuring na tunay na anak ni Stefano. Pero nagkasakit si Stefano at na-diagnose ng pancreatic cancer. Kaya ngayon, si Stefano, nakipag-reconcile sa dating girlfriend na si Kelly (Rhian Ramos) na may anak siya, si Gideon. Pinauwi rin niya si Nikolai at sinisikap niyang ma-reconcile ang ina at nakababatang kapatid.

Kaya ngayon pakiusap ng mga netizens, huwag daw patayin si Tom, i-twist ang story. 

Pero paano iyon, dahil sa stress ni Stefano sa mga nangyayari sa kanyang pamilya, lumala ang sakit niya at ang latest diagnose ng doctor, stage 4 na ang kanyang pancreatic cancer.

Nang tanggapin naman ni Tom ang teleserye, alam na niyang special participation lamang ang character niya at mamamatay siya. 

Pero maganda nga ang review ng mga netizens gabi-gabi, kaya paano, may magagawa ba ang mga writers at si Direk Don Michael Perez sa Love of My Life para mapagbigyan ang kahilingan ng mga manonood gabi-gabi, pagkatapos ng Descendants of the Sun?

TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with