Janine
Janine nilayasan ng driver!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

Katawa ang nangyari kay Janine Gutierrez kahapon.

Iniwan lang naman siya ng driver niya nang hindi namamalayan.

Tweet niya : “BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko. Akala pala ni kuya nakasakay na ko. Umabot na po siyang Mandaluyong galing Makati ano po,” unang tweet niya na akala ng ibang followers niya ay naka-carnap na.

Pagpapatuloy ng kuwento niya : “Naki-text ako kay manong, hindi ko memorize num ni kuya kaya si Papa tinext ko. After maloka ni papa at natatawa, tinawagan niya si Kuya.

“Papa: “Nasaan si Janine?”

“Kuya JR: “Andito po.”

“Papa: “Wala diyan si Janine! Face with tears of joyFace with tears of joy”

“Kuya JR:”Hala wala nga po!!! Nasaan po siya???”

Kamakailan lang ay naging controversial si Janine dahil ang sabi, hindi naman daw totoong sa poder ng papa Monching Gutierrez niya lumaki ang actress pero ang sabi naman ng lola niyang si Ms. Pilita Corrales, iniwan ni Lotlot ang mga anak kay Monching.

President Digong tinanggap na ang sorry ng channel 2 Alden tumanggap ng ani sa Malacañang

Kasama si Alden Richards sa 52 recipient ng  Ani Ng Dangal Awards ng National Commission for Culture and the Arts na pinagkaloob kahapon sa Malacañang na pinangunahan ni President Duterte.

Kasama rin sa listahan sina AiAi delas Alas, Judy Ann Santos, Ina Raymundo, Angeli Bayani, Dante Rivero, Jun Robles Lana, Kristopher King, Maxine Eigenmann, Rody Vera, Signal Rock at iba pa sa Cinema category.

Pero si AiAi, Ina and Alden lang ang nakita namin sa group picture with President Digong at wala si Juday.

Samantala, tinanggap na ni President Duterte ang apology ng ABS-CBN sa black propaganda ad against him at hindi niya na-ereng ad.  “Yes, nandyan yan. I accept the apology. Of course!” sabi niya sa interviews sa kanya ng mga reporter na naka-live sa  Presidential Communications Facebook page.

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with