Matteo, Sarah
Matteo nagsalita sa sumbong na pananapak ng guard ni Sarah!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

Wala raw sinapak si Matteo Guidicelli nu’ng kasal nila ni Sarah Geronimo last February 20, 2020. Isa ito sa nilinaw niya sa kanyang latest post sa Instagram.

Bahagi ng caption ni Matteo sa photo nila ng asawa, “That evening was almost perfect until some unexpected events took, but don’t worry I never “punched” anyone.

“I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my family.”

Umaasa naman si Matteo na, “In time, with God’s grace and love, everything will heal and fall into place.”

Sa isang event na dinaluhan kahapon, sa six days nilang kasal ni Sarah sinabi ng actor na, “It’s the best days of my life!”

Marcelito bongga ang naging homecoming sa Quezon!

Bigo mang manalo sa America’s Got Talent, nakatanggap naman ng hero’s welcome si Marcelito Pomoy nang umuwi siya sa bayan niya sa Calauag, Quezon.

Binigyan si Marcelito ng plaque at trophy mula sa Mayor ng bayan na si Rosalina O. Visorde.

Nagkaroon siya ng motorcade para ma-meet ang fans niya at isang lunch buffet kasama ang city officials.

Inilabas niya sa Instagram ang pictures ng homecoming niya.

“Sa lahat ng aming mga kababayan na nakisama sa kainitan at masayang motorcade, mabuhay tayong lahat.

“Maraming-maraming salamat po. God bless us all!” saad ng singer sa caption.

Yes buhay na buhay si Marcelito contrary sa reports na patay na siya, huh!

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with