Alessandra, Rico
Alessandra nagsinungaling sa relasyon nila ng director
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

Natatandaan naming nag-deny si Alessandra de Rossi nang mag-guest sa Tonight with Boy Abunda sa relasyon nila ni Kapuso director Rico Gutierrez. Nang tanungin ni Boy kung boyfriend niya si direk Rico, “hindi” ang sagot nito.

‘Yun ay kahit may pinost na silang photos ng isa’t isa sa kani-kanyang Instagram at ‘yun ay kahit marami   sa kanilang mga kaibigan ang nagko-congratulate sa kanila. Saka, kahit patuloy ang pagpo-post nila ng photos sa socmed na magkasama sila.

In fairness, si Alex lang ang nag-deny na BF niya si direk Rico dahil si direk Rico ay hindi na kumibo dahil usapan siguro nila na i-deny muna ang kanilang relasyon.

Ngayon, mukhang out na sila sa kanilang relasyon dahil hindi na silhouette ang photos na pino-post  ng isa’t isa at may mga litrato na rin silang magkasama. Nagbakasyon sina direk Rico at Alex sa Amanpulo at sa nabasa namin, tila treat ng mag-asawang Jules Ledesma at misis nitong si Assunta de Rossi-Ledesma ang bakasyon at birthday celebration din ni Assunta.

Sa isang photo nga nina direk Rico at Alex, biniro at tinukso sila nina Lovi Poe, Rachel Ann Go, Maxene Magalona at Drew Arellano na nagpahayag ng kilig sa sweetness nila.

Bagay sina direk Rico at Alex at tiyak na binibigyan ng pointers ni direk Rico si Alex kung paano maging director. Pinasok na rin kasi ni Alex ang directing at siya ang director ng pelikulang Fluffy and Fream na pinagtambalan nila ni Piolo Pascual.

Sharon at Gabby naka-schedule magkita

Magkikita at magkakasama sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa Gabay Guro event sa Centennial Arena, Laoag Ilocos Norte sa March 3, 2020. Mapag-uusapan siguro ng dalawa ang anak nilang si KC Concepcion at kung magkukuwento si Sharon, maririnig ni Gabby ang side nito sa conflict nina Sharon at KC.

As of today, version ni KC pa lang ang narinig ni Gabby dahil nagkita sila at nag-lunch ba o dinner a few weeks ago. After that, naging active na ang mag-ama sa convo kung hindi sa Instagram ni Gabby ay sa IG naman ni KC.

James naghahanap ng bagong bahay

Ang mahal ng ipinagbibiling bahay ni James Reid sa Loyola Grand Villas. Nakasulat ang “Appraised at P82M-P85M” so more or less, sa ganung kalaking amount din nito ipagbibili ang bahay.

Nasa IG story ni James ang “My house is for sale” na malaki dahil 1000 sqm, 3 storeys, with 7 bedroom, 2 large kitchens, may 25M lap pool, fully equipped gym, fully soundproofed recording studio, 6 car garage. Dadalhin siguro ni James at ng pamilya nito sa lilipatan nilang bahay ang iba nilang gamit dahil nakalagay na partially furnished ang bahay.

Ang laki ng bahay at iilan lang naman sila na nakatira roon at si Nadine Lustre lang ang nadagdag nang mag-live-in silang dalawa.

Tanong tuloy kung nagkikita-kita pa ba sina James at ng kanyang pamilya sa laki ng bahay.

Viva nasa ipo na

Naka-post sa Instagram ng Viva Films ang “Viva takes a big leap in 2020. Aarangkada na sa stock market!” at ang caption ay “Viva Entertainment announces upcoming IPO in 2020.”

Ang buod ng story na ito ay lumabas sa February 25 issue ng Philippine Star sa column na Money-Go-Round ni Victor C. Agustin.

Nakasulat pa sa column ni Victor Agustin na hindi lang Viva Films ang business ni Boss Vic del Rosario na malapit nang mag-75 years old.

Nabanggit sa column na ang Viva ay may music radio station network at restaurant chains na lahat kumikita. Idagdag pa ang Viva Records at Viva Live na nagpo-produced ng concerts ng Viva ar­tists.

Sabi pa sa column, P1-B ang budget ni Boss Vic this year sa 34 movies na gagawin ng Viva Films.

At si Boss Vic na raw ang next Philippine billionaire!

ALESSANDRA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with