Maine
Sinulat na kanta ni Maine two years in the making
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

Narinig na namin ang first single ni phenomenal star Maine Mendoza sa Universal Records Ph, ang Parang Kailan Lang nang lumabas ito last February 24.

Maganda ang melody at lyrics ng song at bagay na bagay sa boses ni Maine. Matagal itong hinintay ng fans ni Maine, dahil halos two years in the ma­king ang recording.  Nagkasunud-sunod kasi ang work niya after pumirma ng contract sa Universal Records Ph at since siya ang sumulat ng lyrics ng songs, hindi agad ito nai-record.

Kaya naman nang lumabas na ito, nagmadaling magpunta ang kanyang fans sa iTunes at umakyat agad ito sa number one.

Ang Parang Kailan Lang ang kasunod ng unang single na ginawa ni Maine noon, ang theme song ng movie nila noon ni Alden Richards na Imagine You & Me.

Sa March 20 ang launch ng Parang Kailan Lang.

Fiesta ang fans ni Maine dahil bukod sa paglabas ng first single, ini-launch na rin ang kanyang bagong color ng lipstick at lip glass ng MACMa­ker/Maine Mendoza. 

Pangalawang beses na ito ni Maine na gumawa ng sariling color ng lipstick niya at nakapangalan sa kanya ‘Maine.’ 

Bago ang birthday ni Maine sa March 3, ilo-launch na ang lipstick sa March 1 sa SM Megamall.

Matteo at Sarah lumantad na bilang Mr. and Mrs. Guidicelli!

A week after ng wedding nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, last February 20, 2020, nag-post si Matteo sa kanyang Instagram wall ng pasasalamat nila ng wife niyang si Sarah. Umani agad ng libu-libong likes ang post.

“02 20 2020, a day full of pure love, honesty and genuine emotions.  Yes, we got married, Mr. and Mrs. Guidicelli.

“First and foremost, We would like to express the overwhelming joy, love and excitement we have in beginning our life together. We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters.

“Each and everyone of you have been part of our love journey and we want to say, Thank you. Friends, family and everyone on “social media” have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE.

“The evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never “punched” anyone.  I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family.

“I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter.  Our family is gro­wing and we are blessed.  Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family.

“In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place.

“We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure, honest LOVE. God bless everyone for your love and support! Again, from the deepest part of our hearts thank you!

Sincerely,

Mr. and Mrs. Guidicelli.”

Congrats again Matteo at Sarah!

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with