Tom Cruise
Tom Cruise hindi makalabas sa hotel dahil sa COVID-19!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

Balitang hindi makalabas ng kanyang hotel sa Italy ang Hollywood superstar na si Tom Cruise dahil may ilang confirmed cases na ng coronavirus or COVID-19 sa naturang bansa.

Nasa Venice, Italy si Tom since February 20 para sa shooting ng kanyang pelikulang Mission Impossible 7.

Noong magkaroon daw ng outbreak ang COVID-19 sa northern part ng bansa, sinabihan ang aktor at buong production team na mag-stay na lang sa kanilang mga hotel. Naka-check in si Tom sa 5-star Gritti Palace Hotel hanggang March 1.

Mula sa The Gritti Palace ay matatanaw ang  Grand Canal sa Venice. Nagsilbi rin itong private residence sa noble families when it was first commissioned during the 15th century.

Ginawa na itong luxury hotel since 1895.

May summer 2021 release ang bagong Mission: Impossible movie. Isa sa highlights ng movie ay ang habulan sa canals of Venice gamit ang mga gondola.

Over the weekend, a number of COVID-19 infections were confirmed in Europe. At least 219 cases and five people dead.

Marlon, ex PBB housemate ang pinalit kay Pia!

Mukhang naka-move on na rin ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Marlon Stockinger dahil maraming nakakita rito na ka-date ang former Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russel.

Naging contestant sa PBB 8 si Franki at nakilala siya bilang Wandering Stunner ng New Zealand.

Nasa isang group date sina Marlon at Franki. May kasama pa silang isang couple sa isang Instagram post.

December 2019 nang magsalita si Pia na hiwalay na sila ni Marlon. Naging maganda pa nga ang mensahe niya sa kanyang ex-boyfriend sa paghihiwalay nila.

Pinagtanggol pa ni Pia si Marlon sa chismis na pera ang naging dahilan ng paghihiwalay nila.

Unang naka-move on si Pia dahil nali-link siya romantically sa Beautiful Destinations CEO and founder na si Jeremy Jauncey since January 2020.

Nitong February lang ay balitang magkasama ang dalawa sa New York City. Kahit wala raw silang photo on social media na magkasama, maraming Pinoy ang nakakita sa kanila na magkasama at very sweet sa NYC.

Gabbi at Khalil naka-tatlong taon na

Nag-celebrate ng kanilang 3rd anniversary bilang magdyowa sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos noong nakaraang February 22.

Sa kanyang Instagram, pinost ni Gabbi ang isang sweet message para sa kanyang boyfriend na si Khalil kung kanino marami siyang natutunan tungkol sa buhay at pag-ibig.

Sa kanyang vlog naman, pinost ni Gabbi na kahit galing pa sila sa magkaibang TV network, puwede raw mag-work ang isang relasyon basta nagtutulungan ang isa’t isa.

Noong 2015 unang nagkakilala sina Gabbi at Khalil noong mag-shoot sila ng isang music video sa Hong Kong. Nagsama na ang dalawa sa indie film na LSS noong 2019.

TOM CRUISE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with