Arjo, Maine
Arjo, si Maine na ang gustong mapangasawa
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

Kinumpirma ni Arjo Atayde na ang girlfriend na si Maine Mendoza ang gusto na niyang mapangasawa.

“Of course, of course,” ang sey ng aktor nang tanungin kung si Maine na ba ang nakikita niyang magiging Mrs. Atayde in the future.

Naiisip na ba nila ang pagpapakasal?

“Obviously, I’m of that age already, diba? I’ve nothing to hide. Yes, we get to talk about it,” he said.

Dagdag pa niya, “this is it for me. And you know, we just have commitments, we still have things to do.”

Sa ngayon daw ay going stronger ang relasyon nila at sobrang happy raw nila.

“We’re just getting stronger and stronger, every year we just keep getting better,” sambit pa niya.

Ayaw sabihin ni Arjo kung ilang years na sila pero nang tanungin namin kung pang-ilang Valentine’s Day na nila noong Feb. 14, aniya ay pangalawa raw, so it means 2 years na sila, going on 3 years perhaps.

Kinumusta rin namin kung paano nila ipinagdiwang ang V-day at aniya ay masaya raw.

Anon’g paepek niya kay Maine?

“Basta po, masaya,” natatawa niyang sey.

Dito lang daw sila sa loob ng bansa nag-celebrate dahil may mga trabaho sila pareho. Nagsimula na rin kasi siya sa 24/7 series nila ni Julia Montes.

Nakausap namin si Arjo sa launching ng bagong men’s line product ng Beautéderm last Tuesday na Spruce & Dash.

“Fan ako ng Charcoal Soap ng Spruce & Dash as it keeps me fresh and smelling good after a long day of work. May mga shoots ako outdoors sa ilalim ng araw and it can’t be avoided for me to sweat and perspire under such conditions. Pero Salamat sa Beau I can shower and freshen up my body in an instant. Ginagamit ko din Hugh Shaving Cream to give myself a clean and smooth shave every day,” sabi ni Arjo na isa sa mga ambassadors ng Beautéderm.

Matteo umaasang maaayos din ang lahat sa tamang oras

Finally ay binasag na rin ni Matteo Guidicelli ang katahimikan sa kasalang naganap sa kanila ni Sarah Geronimo last Feb. 20, 2020. Six days after the controversial wedding, kahapon ay nagbigay na ng statement ang aktor sa kanyang Instagram account.

Nag-post si Matteo ng larawan nila ni Sarah na tila nagwe-wedding toast at mukhang kuha ito sa naganap na kasalan.

Kasabay din nito ang paliwanag ng aktor kung bakit nila inilihim ang kasal.

Muli ay nilinaw ng aktor na wala raw siyang sinuntok.

Kasunod nito ay nagpasalamat si Matteo sa kanyang pamilya sa suportang ibinigay sa kanila ni Sarah and for welcoming her into their family.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with