Ruffa
Ruffa pumayat agad sa kaka-boxing!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

Panay ang boxing ngayon ni Ruffa Gutierrez.

Actually, private boxing ang ginagawa niya dahil ‘yung trainer niya, pinupuntahan siya sa bahay.

So, wala talagang kawala si Ruffa at hindi siya puwedeng magdahilan na traffic kaya hindi siya nakapag-boxing.

Eh, kahapon daw, wala siyang taping ng Love Thy Woman, kaya nag-boxing training na lang siya.

Eh, inspired din si Ruffa dahil eight pounds na agad ang nawala sa kanya.

Siyempre, may kinalaman sa March 14 wedding ng kapatid na si Richard Gutierrez at soon-to-be sister-in-law na si Sarah Lahbati ang dahilan ng pagpapapayat ni Ruffa.

Eh, ang bilis daw makapagpapayat ng pagbo-boxing ni Ruffa, huh!

Naku, Ateng Salve, balik-Muay Thai na rin tayo para mas pumayat din tayo hanggang sa wedding day nina Richard-Sarah.

Feeling ko kasi sa sipag ni Ruffa na mag-boxing baka mag-lose pa siya ng eight pounds pa, huh!

Sarah, ang seseksi ng pre-wedding photos

Speaking of Sarah, ang gaganda at sexy ang pre-wedding photos na pinost niya sa Instagram.

Nang magkatsikahan kami kahapon, naikuwento niya sa akin na gift ‘yon sa kanya ng society photographer-friend niyang si BJ Pascual.

Marami nga ang humanga sa pictures na ‘yon ni Sarah.

Sobrang galing din naman kasing photographer ni BJ!

Kasal ng isa pang anak ni Gloria Diaz sa Italy, tuloy na tuloy kahit may COVID-19 outbreak!

Naku, Ateng Salve, dahil sa Coronavirus outbreak sa Italy, hindi na tuloy ako pumunta pa ng Milan, kaya as you read this, nakabalik na ako sa bansa.

Eh, ‘yung mga celebrity kaya na magpapakasal sa Italy, tutuloy pa kaya sa kabila ng Coronavirus outbreak doon?

Ang anak ni Gloria Diaz na si Ava Daza at kapatid ni Isabelle Daza, sa Italy rin ang kasal sa May 5, kaya tinanong ko ang isang invited doon kung tuloy ba ‘yon?

Yes daw, tuloy na tuloy.

Sa Puglia naman daw kasi ang kasal ng anak ni Tita Glo at malayo sa lugar kung saan nagka-Coronavirus outbreak.

Well, sana nga ma-contain na ang Coronavirus na ‘yan, huh!

Let’s all pray!

‘Yun na!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with