^

Pang Movies

Pamamasyal sa S. Korea, postpone dahil sa COVID-19!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hay naku Salve, dahil sa coronavirus, yung invitation sa atin nina Cris Roque at Aileen Go na pumunta sa Korea ay siyempre postpone na noh.

Kaloka hahaha. Dahil yung pupuntahan mong Pyongyang, nandun ang ASF at NCoV na sure ako kahit lahat ng sundalo dun kamukha ni Hyun Bin, hindi ka rin pupunta hahaha.

Alam mo ba, Salve, kung saang eksena ako naiyak sa Crash Landing on You? Doon sa love affair nina Alberto at Dan. Ang husay nung actor na gumanap na Alberto ha, at ang galing niya sa voice acting. yung delivery niya ng dialogue, feel mo ang sinasabi niya. ‘Pag sad, sad ang voice, ‘pag nagyayabang, very cocky, at doon sa eksena kung saan niya ibinigay yung ring kay Seri, bongga ang delivery niya. Feel na feel mo yung romance dun sa pangako niya na magbabago na siya.

Hay naku, ewan ko ba, pang supporting yata ang beauty ko, sa Love in the Moonlight ang napansin ko ay si Jin Young, sa King 2 Hearts ay yun din ang second lead ni Lee Seung-Gi.

Hindi talaga makuha ng ibang bida ang loyalty ko kay Jo In-Sung hahaha, siya ang napansin ko sa Bali, hindi si So Ji-Sub. Palagay ko ay destiny iyon, kami talaga ang nasa ending ng fate namin ni In-Sung, agree ka ba Salve? hahaha.

Gulo nina Matteo at Sarah at Mommy Divine maaayos din

Na-sad naman ako Salve nang makinig ako ng radyo kay Papa Raffy Tulfo kahapon kung saan humingi ng tulong yung bodyguard ni Sarah Geronimo.

Parang naawa ako sa naging sitwasyon ni Mommy Divine, lalo na nang sabihin ng bodyguard na kamuntik na itong saktan ng father ni Matteo Guidicelli dahil nga ‘nagwawala’ ito sa nakita na halos lahat ng miyembro ng pamilya ang nandoon at wala kahit isa sa pamilya ni Sarah.

Iyak daw nang iyak at sigaw nang sigaw si Mommy Divine habang pinipigil ni Sarah. Parang naramdaman ko naman ang feeling ni Mommy Divine, at parang na-visua­lize ko kung gaano ka-tense sa loob ng kuwartong iyon sa Shangri-la the Fort kung saan naganap ang lahat.

Dumaan pala sila sa Victory Church bago tumuloy sa Shang kaya either sa Victory Church o Shang naganap ang kasal. Siguro nga ang sakit ng loob ng ina ni Sarah ng mga oras na iyon. Pero tulad ng iba, alam ko na ang ending nito magkakasundo rin ang lahat. Matatanggap din ni Mommy Divine ang desisyon ni Sarah, at maiintindihan din nina Matteo at Sarah ang nararamdaman ni Mommy Divine at Daddy Delfin.

Sana it will end well dahil pangarap naman ng lahat ang happiness nina Sarah at Matteo.

Mabuhay ang bagong kasal. Relax ka na mommy Divine. Lahat sana tayo ay maging happy for the newlywed.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with