Carlo
Tuloy ang ligaya? Kapamilya network lusot sa BIR, SEC at NTC! Carlo Katigbak biglang naging darling ng netizens
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - February 25, 2020 - 12:00am

Hindi na pinag-usapan ang pagbalik ni Julia Montes sa TV acting.

Mas tinutukan ng lahat kahapon ang hearing ng franchise renewal ng ABS-CBN sa Senado.

Siyempre lahat ay gustong malaman kung after March 30 ba ay marami ang magiging jobless.

Pero sinabi ng NTC na kahit tapos na ang franchise, tuloy ang pag-ere ng Kapamilya Network shows base sa advice ng DOJ.

“I consulted earlier with the Secretary of Justice and I asked him kung paano nga po ang magandang gawin kung kunwari po na wala ‘yun.

“Ang sabi naman po niya (DOJ Sec. Guevarra), we can let ABS-CBN continue to broadcast pero mas maganda po kasi na meron din, Sir. Dahil magkakaroon ng question, na what is the basis for us to issue such a provisional authority,” sabi ng National Telecommunications (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba.

Nauna na ngang sinabi ni DOJ Sec. Menardo Guevarra na sa May 4 pa ang expiration ng franchise ng Channel 2 at hindi March 30, 2020, contrary sa mga naglabasang information.

Parang hindi rin nakaimik si Robin Padilla na nasa hearing kahapon dahil sinagot ng ABS-CBN top guns ang issue sa Securities and Exchange Commissions (SEC), Department of Labor (DOLE) at NTC nga.

Maraming naging hinaing si Robin sa diumano’y sistema nang hindi pagbabayad ng overtime sa ibang workers ng Kapamilya Network.

Pero sinabi ni Ms. Cory Vidanes, na per output ang contract nila kaya walang binabayarang OT. Nagpaliwanag din ang DOLE tungkol sa iba pang labor issues sa ABS-CBN.

Eh ang husay ng mga sagot ng President and CEO ng ABS-CBN na si Mr. Carlo Katigbak na cool na cool sa kanyang mga statement.

Kaya naman super trending si Mr. Katigbak. 

Si Vice Ganda nga, napa-tweet pa na may asawa na si Mr. Katigbak dahil bigla itong darling sa social media. “Maraming salamat po sa suporta at pagmamahal nyo mga Kapamilya! Di po namin gustong saktan ang mga puso nyo pero OPO MAY ASAWA NA PO SI SIR CARLO KATIGBAK!!!! Chozzzzzzz!!!,” tweet ni Vice na libu-libo ang pumuso at nag-retweet.

Anyway, wala naman sa nasabing hearing si Solicitor General Jose Calida na naghain ng quo warranto at gag order sa Supreme Court.

Ngayon siguro ay makakatulog na ng maayos kahit paano ang mga empleyado ng ABS-CBN though wala pang klarong decision, at least naman parang nasagot na wala talaga silang na-violate na batas.

 

BIR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with