Bianca
Bianca malaki ang chance na magkaroon ng career sa abroad
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 25, 2020 - 12:00am

Malaking bonus sa career ni Bianca Umali ang project niyang Halfworlds na ginagawa niya for HBO.

Balita ko na ang daming nag-audition para roon pero suwerte nga na si Bianca ang nakuha, kaya dapat talagang ipagmalaki niya ang break na ito.

Bongga dahil mala-Hollywood ang approach ng serye at kahit ang system ng trabaho nila ay pang international.

Isang napakagandang workshop ito para kay Bianca na matikman ang ganitong uri ng working set up.

 Isa si Bianca sa may pinakamala­king chance na maging big star dahil iyon fire sa kanyang character ay very exciting.

Bet ko na magiging A-list artist siya lalo pa nga at bata pa siya ay grabe na kung umarte, lalo pa siguro pag nag-mature ng mabuti.

Conquer the world Bianca Umali.

Managers nina Dennis at Jennylyn, nagkaroon ng issue?!

Kaloka nagiging issue ang mga post ko sa Instagram. Natatawa ako dahil masyado pala nilang siniseryoso ang mga comment ko.

At least napi-feel ko na may relevance pa rin pala ako sa edad kong 73 sa May. hahahah.

Katulad ng comment ko kung manonood ba si Popoy Caritativo sa concert ni Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, meron palang underlying issue iyon ha. Pero hanga ako kay Katrina Aguila kung paano niya sinagot ang issue ha, may tapang at direct to the point.

I can say she will be a good manager dahil iyon ang tapang na dapat meron ang isang nagha-handle, hindi kinatatakutang harapin ang ibabato sa kanya.

I can say Jennylyn is in good hands. Ayon naman kay Popoy at Dennis, kailangan lang siguro ‘yung honesty ng alaga na aminin kung ano ang pinasok niyang issue para kayong dalawa alam kung saan lulugar.  

‘Yung kapakanan din ni Dennis ang nasa isip ni Popoy, kaya lang hindi nilinaw sa kanya ang issue, kaya hindi niya alam kung saan aayusin.

Pero sure ako, iyon welfare nina Jennylyn at Dennis ang nasa isip nila Katrina at Popoy.

Isa nga itong eye opener sa lahat ng managers, at sana nga naging mabuting aral.

Dito ako hanga sa PAMI (Professional Artists Managers Inc.), malawak ang pagtingin nila sa bawat issue kaya maayos ang solution.

Basta sa next concert, baka nagbibenta na rin ng tiket si Popoy dahil co-producer na siya, Hahaha.

BIANCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with