Sarah
Sarah inulan ng kilig pagkabalik sa trabaho!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 25, 2020 - 12:00am

Apat na araw matapos ikasal with Matteo Guidicelli last Feb. 20, 2020, balik-trabaho na si Sarah Geronimo kahapon at nag-taping na ng The Voice Teens.

Kumalat nga agad sa social media ang video kung saan ay makikitang kararating lang sa studio ni Sarah at binabati siya ng “good morning” ng staff.

Naka-post sa IG Story ng staff ng The Voice Teens ang nasabing video kung saan ay bumabati rin ng good morning si Sarah sa kumukuha ng video.

Biro ng staff, “baka mag-viral na naman po ito.”

Natawa si Sarah at sey niya, “nag-viral ba?”

Sa caption, the staff wrote, “from ‘good morning’ video nung wedding day to ‘good morning Mrs. Guidicelli’ na today!!!”

Dagdag pang caption ng staff, “She’s so happy!!! We’re so happy for her and Matt!!! Eto na nga.”

Sa second video ay makikitang kasama na ni Sarah ang iba pang staff at muli ay nag-hi si Popstar sa camera.

Sa caption naman ng second vid ay nakalagay na “Eto pa version 2!!! Kinilig me sa ‘good morning asawa ko...’ story ni coach hihi waaaaaah” with matching katakut-katakot na heart emoticon.

Tila ikinuwento ni Sarah sa mga staff na binati niya ng ‘good morning asawa ko’ ang mister na ngayong si Matteo.

Sa isang IG post naman ng Popster ay makikita si Sarah na all smiles with the same dress sa taping at ipinapakita ang kanyang suot na dalawang rings sa isang daliri na tila ang isa ay wedding ring at ang isa ay engagement ring.

Caption ng larawan, “Mrs. Guidicelli flexing her RINGS.”

May larawan din si Sarah habang kausap ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Tila binisita ng showbiz couple si Popstar sa taping kahapon.

Sa comments section sa larawan ni Sarah flexing her wedding rings, pinuna ng maraming fans and netizens ang kaligayahan ni Popstar na kitang-kita raw sa photo at komento nila, masaya sila para sa idol and she deserves to be happy.

And we agree.

Bodyguard ni Sarah nagdetalye nang ginawa ni Matteo

Still on Sarah G., kahapon ay inireport ng ABS-CBN online ang pagdulog ng bodyguard ni Popstar na si Jerry Tamara sa programa ni Raffy Tulfo sa TV5.

Si Tamara ang nabalitang sinuntok ni Matteo noong gabi ng kasal nila ni Sarah dahil sa pagli-leak umano kay Mommy Divine (ina ni Sarah) ng secret wedding.

Ayon sa report, idinetalye ng bodyguard kay Tulfo ang nangyari noong gabing iyon and revealed na talagang nagkaroon ng komosyon nang duma­ting si Mommy Divine at nagkaroon ng hindi magagandang palitan ng salita sa pamilya.

“Mga pangit na salitaan ‘yung pinagpalitan ng pamilya sir eh. Pangit na ‘yung mga lumalabas na salita,” Tamara was quoted as saying.

Kuwento pa ng bodyguard, dumating din daw ang Viva big boss na si Vic del Rosario at kinausap si Mommy Divine.

Nang makita raw niyang umaalis na si Sarah sa venue kasama ang pamilya ni Matteo gamit ang fire exit ay in-inform niya si Mommy Divine at sinabihan naman daw siya nito na sundan ang anak at huwag hihiwalayan.

Kaya nilapitan daw niya si Sarah at sinabihang mag-usap muna silang mag-ina. Pero sinabihan daw siya ni Matteo na huwag makialam and said “asawa ko ‘to!”

Sinabi raw niya kay Matteo na “sir, hindi naman po ako nakikialam. Gusto ko lang po, bago umalis si Ma’am Sarah, mag-usap ‘yung mag-ina” at pagkatapos nito ay sinuntok na raw siya sa leeg.

Matatandaang itinanggi na ni Matteo na sinuntok niya si Tamara pero pinaninindigan ng bodyguard na talagang sinaktan siya ng aktor at maghahain siya ng formal complaint laban dito.

Well, we wonder kung may basbas ni Mommy Divine ang pagsasalitang ito ng bodyguard ni Sarah.

Ang sa amin lang, sana ay inayos na lang ito ng sila-sila na lang at hindi na nakarating pa sa publiko because let’s face it, pangalan na naman ni Sarah ang makakaladkad dito.

 

SARAH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with