^

Pang Movies

Church wedding ng ashmatt inaabangan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Habang nasa frontline ngayon ng mga balitang showbiz ang secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, tahimik namang nairaos ang celebrity-studded wedding ng Kapuso actress na si Sheena Halili at non-showbiz husband na nito ngayon na si Atty. Jeron Manzanero.

Samantala, ang inasahan ngang secret at quite civil wedding nina Sarah at Matteo was marred with a controversy nang biglaang dumating sa wedding venue ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo at magpa-blotter sa isang police station in Taguig ang close-in security aide ni Sarah na si Jerry Tamara na kesyo siya’y sinuntok sa may lalamunan ng mister na ngayon ni Sarah na si Matteo bagay na agad pinabulaanan ng huli.

Kung totoong sinuntok ni Matteo ang personal security ni Sarah, bakit hindi ito nagsampa ng demanda at nagpa-blotter lamang ito bagama’t kahapon ay sinabi nito sa programa ni Raffy Tulfo na nagpa-plano talaga siyang mag-sampa ng formal complaint laban sa mister ng kanyang Ma’am Sarah.

May lumutang tuloy na balita na diumano’y ang mommy umano ni Sarah ang may pakana ng blotter para masira si Matteo.

Samantala, waiting ang lahat sa magaganap na church wedding sa pagitan nina Sarah at Matteo at kung ito’y sisiputin ng mga magulang ng pop superstar laluna ng kanyang inang si Mommy Divine.

May you live happily ever after.

Labi ng ina ni John Regala, ngayon pa lang nadala ng Pilipinas

Although nung January 11, 2020 pa sumakabilang buhay ang dating actress at ina ng character actor na si John Regala na si Ruby Regala (Susan Gregorio), nitong nakaraang Biyernes ng gabi, February 21 lamang dumating sa bansa ang mga labi ng veteran actress.

Ang kanyang mga labi ay nakaburol ngayon sa St. Peter’s Funeral Homes in Tandang Sora, Quezon City hanggang sa gabi ng Huwebes, February 27 at kinabukasan naman ay ihahatid na ito sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park in Sucat, Parañaque.

Nagpapasalamat si John sa kanilang mga Kapatiran sa Iglesia ni Cristo sa Washington, D.C., USA dahil ang mga ito ang nag-asikaso sa kanyang ina sa Amerika magmula sa pagdala sa kanya sa pagamutan hanggang sa ito’y maiuwi ng Pilipinas.

Si Ruby ay mag-isang namumuhay sa Amerika. Huli itong umuwi ng Pilipinas nung December 30, 2018 hanggang February 19, 2019. Ito na pala ang kanyang huling pagkakataon na makita si John at iba nilang mga kaanak.

Si Ruby ay binawian ng buhay nung January 11, 2020 at 6:45 a.m. dahil sa brain tumor.  Pumutok umano ang ugat sa kanyang utak na naging sanhi ng pagkakaroon ng blood clot.  Inoperahan umano si Ruby pero hindi na na-save ang kanyang buhay.

Naging aktibong artista si Ruby nung ‘60s at ilan sa mga pelikulang kanyang ginawa ay ang Zebra at Pintuang Bakal in 1965 at ang Gintong Patibong nung 1966.

Nakarelasyon naman ni Ruby ang yumao na ring actor na si Mel Francisco na siyang tatay ni John Regala.

Jennifer Sevilla may sariling gasoline stations at ilang malalaking negosyo na!

After five years of not being active in showbiz, muling nagbabalik ang da­ting Seiko Films star at former member ng youth-oriented program na That’s Entertainment na si Jennifer Sevilla sa pamamagitan ng panghapong serye ng Kapamilya Network, ang Love Thy Woman na pinangungunahan ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim.

Maganda ang takbo ng buhay ngayon ni Jennifer sa piling ng kanyang mister na si Saymour Go at dalawa nilang anak na parehong lalaki na sina Simon at Mavy. Si Jennifer ay nag-asawa nung November 11, 2007 at ang kanyang mister ang na­ging teacher ng actress sa kanyang pagiging isa ring successful businesswoman.

Bukod sa kanilang chain of gasoline stations franchise, may ilang business ding pinatatakbo ngayon ang mag-asawa at kasama na rito ang Lynelle Fa­shion Hair na may lima nang branches.

vuukle comment

CHURCH WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with