^

Pang Movies

Julia pahihirapan ng kamukha!

Pang-masa
Julia pahihirapan ng kamukha!
Julia

MANILA, Philippines — Sunud-sunod na kamalasan at pagkamatay ang haharapin ni Julia Barretto matapos niyang papasukin sa buhay niya ang isang babaeng kamukhang-kamukha niya sa I AM U, ang bagong IWant original series na mapapanood sa IWant simula Pebrero 26 (Miyerkules).

Sa I AM U, tampok ang magkatulad sa hitsura ngunit magkasalungat sa kinalakihan na sina Elise, na lumaki sa layaw, at Rose, na walang wala sa buhay.

Magtatagpo ang landas ng dalawa nang iligtas ni Rose ang buhay ni Elise. Dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob, ituturing ni Elise na kambal si Rose, at papapasukin ito sa marangya niyang pamumuhay--kasama na ang kanyang mga damit, bahay, pamilya, at mga kaibigan.

Dahil unti-unting magiging komportable si Rose sa bago niyang mundo, maiinggit si Elise at nanaising mawala ito sa kanyang landas.

Sa isang party na magbabago ng lahat, papaikutin ni Elise si Rose at papapasukin ito sa isang aparador habang naglalaro ng Truth or Dare. Ngunit habang nasa loob si Rose, magsisimula ang isang apoy, at maiiwan itong nakakulong.

Pagtatakpan ni Elise at ng kanyang mga kaibigan ang nangyari at pipilitin itong kalimutan. Ngunit hahabulin sila ng kamatayan, at iisa-isahin sila.

Ano ang koneksyon ng mga ito sa pagkamatay ni Rose? Sino na lang ang matitirang buhay?

Ang I AM U ay mula sa direksyon ni Dwein Ruedas Baltazar, ang direktor din ng IWant original series na IWant’s Past, Present, Perfect? at Uncoupling.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with