Richard at Sarah
Richard at Sarah nagsisimula nang mang-imbita sa kasal!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 24, 2020 - 12:00am

Ang malapit nang ikasal na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Anilao, Batangas kahapon.

Sabi ni Sarah, “Our friends organized a ’sending off’ trip for us before the wedding!”

Kung malapit ka kina Richard at Sarah, alam mo na pareho silang mahilig sa beach, kaya perfect na lugar ang Anilao para sa kanilang “sending off” event bago ang March 14 wedding nila.

Samantala, nang makatsikahan ko si Annabelle Rama the other day ay naikuwento niyang nagsimula na silang magpadala ng invitations.

Ang karamihan sa principal sponsors ay napadalhan na nila ng imbitasyon.

Kasalukuyang pinadadala na rin ang imbitasyon ng mga guest sa wedding na ‘yon.

Very soon ay uuwi na rin ng Philippines ang tatay ni Sarah, si Abdel Lahbati, na based sa Geneva, Switzerland, para mag-attend sa kasal ng anak kay Richard.

Maraming mga kaibigan sina Richard at Sarah na manggagaling sa iba’t ibang mga bansa at darating dito para sa wedding nila.

Jaya pumatok sa America

Maganda ang feedback sa concert series ni Jaya around America.

In fairness, magaling talagang singer si Jaya, kaya marami ang enjoy sa kanyang mga concert.

Paurong nang paurong Italy wedding nina Sarah at Matteo, sa May gaganapin?!

Feeling ko ay totoo ang tsikang may magaganap pa ring Italy wedding sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Nagpakasal na sina Sarah at Matteo noong Thursday sa BGC (Bonifacio Global City) sa Taguig City noong Thursday.

Sabi, sa May raw magaganap ang Italy wedding nina Sarah at Matteo.

Jo Koy pinagkakaguluhan sa ‘Pinas!

Ang show kamakailan ni Jo Koy sa The Forum sa Inglewood, California.

Kuwento sa akin ng ilang mga kaibigan ko na nakapanood ng nasabing show, sobrang successful daw ‘yon.

Ang alam ko, may 42 shows around Amerika si Jo Koy.

Sobrang sikat ngayon ng comedian.

Noong mag-show rin siya sa Philippines, sobrang successful ang ilang shows niya sa atin.

Pati mga celebrity sa Philippines ay sobrang pinagka­kaguluhan at ina-idolize siya.

In fairmess, sobrang bait at accommodating daw ni Jo Koy!

‘Yun na!

RICHARD GUTIERREZ SARAH LAHBATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with