^

Pang Movies

Mommy Divine gusto sanang tumandang dalaga si Sarah?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., dapat sana’y masaya ngayon ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo dahil kasama na niya ang taong pinakamamahal niya at gusto niyang makasama habambuhay, ang mister na niya ngayong si Matteo Guidicelli.

Pero gustuhin mang maging masaya ni Sarah maging ni Matteo, nabahiran naman ito ng problema dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng ina ni Sarah na si Mommy Divine Geronimo na ang kanyang anak ay 31 anyos na, may sariling pag-iisip at kaya nang magdesisyon para sa kanyang sarili.

Ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito  matanggap ni Mommy Divine na kailangan na rin naman ni Sarah na bigyang laya ang kanyang sariling kaligayahan at pumili ng taong kanyang mamahalin at makakasama sa buhay para bumuo ng sarili niyang pamilya. After all, katorse anyos pa lamang si Sarah ay siya na ang kumukayod para sa kanyang pamilya.

Even before Matteo ay wala umanong gusto si Mommy Divine sa mga pumuporma sa kanyang anak noon kung saan kasama rito si Gerald Anderson. Si Matteo lang daw talaga ang naging matapang na ligawan si Sarah sa kabila ng pagiging istrikta ng ina nito dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang misis na ngayon.

Kung naging tahimik lamang at walang fanfare ang engagement sa pagitan nina Sarah at Matteo in 2018 na kanilang inamin in November 2019 lamang, hindi nagtagumpay ang dalawa sa kanilang inaasahang ‘secret wedding’ dahil ito’y sinugod ni Mommy Divine at nagkaroon umano ng kaunting komosyon sa inakala nilang intimate and quite civil wedding ceremony.

Naitago sana ang secret wedding nina Sarah at Matteo kung hindi lamang nagpa-blotter ang close-in security ng Pop star na si Jerry Tamara sa ginawa umanong panununtok sa kanya ni Matteo dahil sa kanyang pagsusumbong, pero pinabulaanan ito ng aktor.

Mahal na mahal ni Sarah ang kanyang pamilya, ang kanyang parents at mga kapatid na kahit may asawa’t pamilya na siya on her own ay hindi umano magbabago ang kanyang pagmamahal at respeto sa kanila. Pero bakit hindi ito maibigay kay Sarah ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang inang si Mommy Divine?

Marami tuloy ang nagsabi na gusto umano ni Mommy Divine na tumandang dalaga na lamang si Sarah para hindi ito mawalay sa kanyang pamilya.

Legally ay Mrs. Matteo Guidicelli na si Sarah at hindi na ito mapipigilan pa.

Myrtle may gagawing concert

Kami ang unang nagbalita last week pa na nakatakdang lumipat ang dating cosplayer at ex-Pinoy Big Brother big winner na si Myrtle Sarrosa sa Kapuso Network pero nitong February 21, 2020 lamang ito lumagda ng kontrata with GMA Artists Center.

Sa tulong ng kanyang bagong home studio, looking forward si Myrtle sa mga bagong programang kanyang sisimulan at makatrabaho ang mga Kapuso star and artist.

Si Myrtle ay nakatakdang mag-mount ng kanyang intimate concert on May 8, 2020 na gaganapin sa Teatrino in Greenhils.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with