Lovi at British BF sinagad ang lakwatsa!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 23, 2020 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, sinagad talaga ni Lovi Poe ang birthday vacation niya sa Los Angeles, California kung saan nakasama niya ang British-boyfriend niyang si Montgomery Blencowe na isang Hollywood producer.

Thursday night lang umalis ng L.A. si Lovi at kahapon ng umaga lang dumating ng Philippines.

Bale nag-rest lang sandali si Lovi at bandang hapon ay busy na sa mall show ng Hindi Tayo Pwede movie nila nina Tony Labrusca at Marco Gumabao.

After ng mall show sa Fisher Mall, presscon naman sila.

Wala ngang jet lag-jet lag for Lovi at kailangang mag-promote kaagad ng Hindi Tayo Pwede dahil sa March 4 na ang showing ng Viva Films movie nila.

Eh, mukhang ganado naman si Lovi sa pagpo-promote dahil sobra naman siyang nakapag-enjoy sa L.A.

Sobra ngang lakwatsa ang ginawa nila ni Mont (palayaw ng boyfriend niya).

Teka! Kailan na naman kaya “tatakas” uli pa-L.A. si Lovi para makasama uli si Mont?

Well...

Tickets sa concert nina Ian at Ogie, mabenta!

Ang live chat nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion sa Instagram account ng singer/songwriter sa Tuesday, 8:00PM.

Para sa promo ng KilaboTitos concert nila on March 20 and 21 sa New Frontier Theater ang live IG session na ‘yon.

Puwedeng magtanong ang mga fan kina Ogie at Ian.

Ang maganda, puwede pang manalo ng tickets sa KilaboTitos ang mga tututok sa live chat nila.

According to Ogie, mabenta ang tickets para sa KilaboTitos concert nila ni Ian.

Sa April 11 naman, nasa Pala Casino sa Pala, California si Ogie para sa OA in the USA concert kung saan guest niya ang anak na si Leila Alcasid.

Marcelito magma-migrate sa U.S.?!

May nakapagtsika sa akin na may kinakausap na raw na US immigration lawyer si Marcelito Pomoy.

Type ba ni Marcelito na mag-migrate na sa Amerika?

Puwede naman dahil kilala na rin sa Amerika si Marcelito dahil sa America’s Got Talent: The Champions kung saan ay nag-runner-up siya.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with