Kasalan nina Matteo at Sarah nabahiran ng sakitan
Danilo Garcia (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nabahiran ng sakitan ang sinasabing kasalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nang suntukin ng huli ang isang bodyguard ng bagong misis nito sa loob ng isang hotel sa Taguig City nung isang gabi.

Sa blotter report sa Taguig City Police Station, nakilala ang nagreklamo kay Guidicelli, 29, na si Jerry Tamara, 31, residente ng No. 1000 Mindanao Avenue, Quezon City at close-in bodyguard ng actress/singer na si Sarah.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa loob ng Shangri-La Hotel sa Bonifacio Global City dakong alas-11 ng gabi. Napag-alamang isinagawa ang ‘civil wedding rites’ nina Sarah at Matteo nang dumating ang ina ng aktres na si Divine Geronimo.

Hiniling daw ng ina na makausap ng sarilinan ang anak na si Sarah matapos na ipaglihim sa kanya ang naganap na kasalan. 

Dito na kinompronta ni Matteo si Tamara na sinuntok niya makaraang paghinalaan na siyang nagsumbong sa ina ni Sarah ng gagawin nilang pagpapakasal.

Dala ni Tamara ang isang medical certificate mula sa Taguig-Pateros District Hospital ng tinamong pinsala sa panununtok ni Matteo sa kanyang lalamunan.

Sa kabila nito, tumanggi si Tamara na magsampa ng pormal na kaso at para sa ‘record purposes’ lamang daw ang kanyang pagpapa-blotter.

MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with