Sarah at Matteo legal nang mag-asawa
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

Mommy Divine walang nagawa

Isang taong malapit kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang ­aming ka-text kahapon ng umaga, araw ng Biyernes. Sinabi ng aming source na may malaking news na sasabog kahapon nga. Hindi nagtagal ay lumabas na nga `yung balita tungkol sa civil wedding nina Sarah at Matteo na ginanap sa Shangri-La the Fort sa Bonifacio Global City, Taguig City nung Huwebes ng hatinggabi, February 20, kung saan nasuntok umano ni Matteo ang bodyguard ni Sarah dahil nakarating ang tungkol sa secret civil wedding sa ina ni Sarah na si Mommy Divine na agad sumugod sa lugar kung saan ginanap ang  civil wedding ng dalawa.

Kung hindi siguro nagreklamo sa police ang personal bodyguard ni Sarah na nasuntok ni Matteo ay hindi magkakaroon ng snags ang gusto sana nina Sarah at Matteo na tahimik at sikreto lamang na civil wedding.

Malalaking personalidad kasi sina Sarah at Matteo kaya maraming paparazzi ang gustong makaalam tungkol sa pagpapakasal ng dalawa lalo pa’t hindi gaanong pabor ang ina ni Sarah kay Matteo or any guy for that matter.

Pero anumang gawin ni Mommy Divine ay hindi na niya mapipigilan ang anak niyang si Sarah dahil 31 years old na ito at kaya nang magdesisyon sa kanyang sarili without asking for the consent of her parents tulad na lamang sa engagement ng dalawa na nangyari nung 2018 pero nung November 2019 lamang nila inamin sa publiko.

Sina Sarah at Matteo ay nung 2014 lamang umamin tungkol sa kanilang relasyon pero 2013 pa sila magkasintahan kaya magpipitong taon na ang kanilang relasyon sa susunod na buwan, Marso.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ng mag-asawang Sarah at Matteo kung saan at kailan sila na-engaged in 2018.

Sa susunod na buwan (date and location withheld) umano magaganap sa church wedding ng dalawa. Matuloy man o hindi ang kanilang church wedding, legally ay mag-asawa na sina Sarah at Matteo.

Gladys at Christopher ginawang negosyo ang hilig kumain

Last Thursday afternoon ay nagkaroon ng soft launch ang bagong catering business ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas, ang Sommereux na siyang real family name ng mag-asawa, Chris being a son of a French national at Filipina naman ang kanyang ina. Ito’y bukod pa sa restaurant na pag-aari ng mag-asawa, ang Estela na matatagpuan sa Brickroad ng Sta. Lucia Shopping Mall in Cainta, Rizal.

Marami ang hindi nakakaalam na si Chris ay nagtapos ng culinary course sa International School for Culinary Arts and Hotel Management in Kalayaan, Quezon City.

Minsan ay nag-usap ang mag-asawang Chris at Gladys sa planong pagkakaroon ng catering business na agad naman nilang naisakatuparan sa tulong na rin ng iba’t ibang suppliers.

Since parehong mahilig magluto at kumain ng masasarap ang mag-asawa kasama ang kanilang apat na anak na sina Christophe, Aquisha, Grand at Gavin, ang pagkakaroon ng isang restaurant at catering business ay madali nilang nabuo sa tulong na rin ng kanilang mga anak at malalapit na kaibigan.

MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with