Mga empleyado ng ABS-CBN nag-rally!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

Ang Light and Light for Press Freedom rally kagabi sa Sergeant Esguerra gate ng ABS-CBN.

Dinaluhan ‘yon ng employees, talents and friends ng ABS-CBN TV network.

Nagsipagsuot ng white ang mga nagpunta sa rally ba ‘yon.

Kanya-kanya rin sila ng dala ng kandila.

Maraming pangyayari

Sarah-Matteo parang Korean series ang relasyon

Trending topic ang pagpapakasal ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli noong isang gabi sa isang hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Parang Korean series na tinututukan ng mga Pinoy ang tungkol sa inililihim na wedding nina Sarah at Matteo.

Habang nasa Los Angeles, California ako, ang tungkol doon ang inuusisa sa akin ng mga kababayan natin.

Parang teleserye ang wedding na ‘yon na punum-puno ng sigalot. (Best wishes Sarah and Matteo. – Salve A.) 

Jed nagda-diet na

Gustung-gusto ng mga taga-Eat Bulaga na i-guest si Annabelle Rama sa Bawal Judgmental segment nila.

Ilang beses na ring pinapanood ni Bisaya ang nasabing segment at feeling niya ay mahihirapan siya, kaya hindi pa siya makapag-yes.

Kahit kilala sa pagiging feisty si Bisaya, may “kinatatakutan” din siya.

Hehehe!

Balak nga pala ni Bisaya na i-produce uli ng dinner concert sina Jed Madela at Angeline Quinto.

Sobrang saya ni Bisaya sa napakagandang feedback sa Voices for Love dinner concert na prinodyus niya sa Marriott Grand Ballroom kamakailan na pinangunahan nina Jed at Angeline.

Speaking of Jed, marami ang nakapansin na medyo malaki na ang ipinayat ng singer.

Medyo lumaki kasi si Jed, pero mukhang nagagawa na niyang mag-diet ngayon.

Crash Landing kinaadikan maging ng mga celebrity

Like her husband Ogie Alcasid, gustung-gusto rin ni Regine Velasquez-Alcasid ang Crash Landing On You.

Maraming celebrities ang “addict” sa panonood ng nasabing Korean series.

Maganda kung magkakaroon ng Pinoy adaptation ang Crash Landing On You.

Siguradong magiging top-rating ‘yon kung TV series ang magiging Pinoy adaptation o blockbuster kung pelikula man!

‘Yun na!  (Naku ‘wag naman. Hindi bagay. Hahaha. – Salve A.)

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with