Robin kinukuwestiyon na ang sinseridad
Robin kinukuwestiyon na ang sinseridad
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

Hanggang ngayon ay ina­abangan ng lahat ang sagot ni Coco Martin sa mga naging pahayag ni Robin Padilla tungkol sa kanya. Pero ayon sa aming source ay wala raw balak ang King of Primetime ng ABS-CBN na patulan ang action star.

Sey ng kausap namin ay hindi raw talaga sasagot si Coco lalo pa nga’t senior sa kanya si Binoe and looks up to him.

Pero in all fairness to Coco, kahit hindi siya sumagot ay marami namang nagtanggol sa kanya at naniniwalang hindi siya ganun’g klaseng tao.

Bagama’t marami na ang nagpayo kay Robin na tumigil na siya sa pagsasalita against ABS-CBN at kahit maraming nangba-bash sa kanya, tila wala namang pakialam ang action star at panay pa rin ang banat sa ABS-CBN.

Siyempre, alam naman nating lahat na strong supporter si Binoe ni President Rodrigo Duterte na very vocal naman sa galit niya sa ABS-CBN at sa pagtutol na ma-renew ang franchise ng network.

Okay lang sanang kumuda si Binoe at hindi mo maiisipan ng ibang kulay kung hindi siya follower ni Digong. Pero hindi nga ganu’n ang kaso, kaya naman hindi natin masisi ang mga netizens at taumbayan na buma-bash sa kanya ngayon dahil nga nahaluan na ng politika ang action star.

Nakukuwestiyon tuloy ngayon ang sinseridad ni Binoe sa pagtuligsa sa ABS-CBN and some are asking kung mga maliliit na tao ba talaga ang gusto niyang tulungan o idinepensa lang niya si Digong.

Voltes V may pa-audition

Excited na ang lahat sa upcoming live action adaptation ng GMA para sa iconic anime series na Voltes V: Legacy. Hindi nga lang mga fans ng naturang anime ang excited kung hindi maging ordinary viewers ay curious din sa magiging visual effects at lalo na sa bubuo ng bigating cast nito.

Good news para sa mga nais mapasali sa isa sa biggest projects ng Kapuso network dahil magkakaroon ng audition ang GMA para sa isa sa mga karakter ng programa.

Ayon sa Instagram post ng tanyag na direktor na si Mark Reyes, naghahanap ang kanilang team ng mga lalaking hindi bababa sa 5’8 ang height, may kaalaman sa martial arts, 18-20 years old, at malaki ang pangangatawan.

Ngayong Lunes (Pebrero 24) simula 11AM sa GMA Annex building ang audition para sa role na ito.

Sunshine nag-sorry sa mga dinidedmang fans

Nag-react si Sunshine Cruz sa mga basher niya na nagkomentong suplada siya dahil pag tinatanong daw kung ano ang suot niya ay hindi ito nagre-reply.

Sagot ni Shine sa netizen, ilang beses na raw niyang sinagot ang tanong at kung magba-backread daw ito ay makikita nito ang sagot.

“Busy lang and as much as I want to reply to all of you, I can’t. Pasensiya na,” dagdag pa ng aktres.

May isa namang nag-comment na sino raw ba kasi sila para pag-aksayahan ni Sunshine gayung tagahanga lang naman sila.

Sagot naman ni Shine ay hindi raw ito totoo at ginagawa naman daw nila ang makakaya para pasiyahin ang fans pero dapat din daw maintindihan ng mga tao na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakapag-reply sila dahil marami rin silang ginagawa.

Sa kanyang Facebook ay muling in-address ito ni Shine at pinost ang larawan ng screenshots ng sagutan nila ng netizens.

“I do hope people will not judge us artists kung hindi man po kami nakaka-reply sa kanila o sa mga tanong nila. Hindi po sa lahat ng pagkakataon nakatutok kami sa social media. May mga trabaho at may iba rin po kaming pinagkakaabalahan.

“Medyo marami yung likes and comments kasi sa photo na ito. Di ko maiisa-isa talaga.

“Sa mga nagandahan, I would like to tell you all that I bought my dress sa GU sa Japan,” ang caption ni Sunshine.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with