Robin at Mocha umeepal lang?!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

Ito na ang huli kong masasabi sa franchiserye ng ABS-CBN, Salve. Gagaya na ako kay Ethel Espiritu na isang buga lang ang apoy, tapos tigil na.

Gusto ko lang i-clear na hindi ako galit kay Robin Padilla.

Iginagalang ko at hinahangaan ang concern niya sa maliliit na tao sa industriya. Masarap din isipin ang malasakit niya sa staff, crew at employees ng ABS-CBN or maging sa mga ibang showbiz worker.

Ang punto ko, puwede mo silang tulungan, i-voice out ang maling trato sa kanila kung meron man, nang hindi mo kailangan idamay ang iba.

Bakit kailangan mong banggitin ang mga pangalan nina Coco Martin at Dingdong Dantes? Kung nagkaroon sila ng issue, hayaan mong ang mga ‘biktima’ nila ang magsalita at bilang lalaki, hindi ka dapat ‘magturo’ ng iba.

Tapos, ang issue ay tungkol sa renewal, bakit biglang nagkaroon ng issue sa labor? Sa talent fees?

Iyon ang punto ko Mocha, hindi iyon natatakot ako na mawalan ng trabaho ang mga alaga ko.

Kaya n’yong ipagtanggol ang anumang desisyon tungkol sa renewal, susunod tayo at sila sa batas, tatanggapin natin kung ano sasabihin ng korte, iyon ang hintayin natin.

Hindi iyon bintang dito, bintang dun.

Mahal n’yo si Papa Digong Duterte, honestly, kahit si Sen. Grace Poe ang ibinoto ko as President last election hanga ako kay Papa Digong as leader. Kaya nga ‘di bah, ako pa nagsabi, dahil siya ang leader ng bansa natin, dapat suportado natin siya sa mga desisyong ginagawa niya.

Kung tama o mali siya, we should accept it together as one, dahil siya ang leader ng bansa natin. Lahat tayo mahal ang Pilipinas, ipagdasal natin na sana lahat maging tama, para umunlad tayo.

Huwag iyon makaepal lang, sali nang sali sa issue. Last na talaga ito, promise. Ayoko na.

Artist Center ginagawa ang lahat para sa mga alaga

Gusto kong bigyan ng credit ang GMA Artists Center. Nakita ko iyon care for the ‘family’ nila sa mga talent nila.

Iyon pagma-manage nila ng mga talent, para silang isang pamilya, may head, may mga anak, may mga kamag-anak.

Ang progress ng isang talent ay para rin sa mga anak na hindi pare-pareho ang ugali, meron mabilis matuto at merong hindi makaabante.

Nakita ko ang personal concern nila Gigi Santiago-Lara, Simon, Mark at Daryl sa mga alaga nila.

Ang katuwaan nila pag nakita nila na umaabante ang kanilang mga alaga, ang frustrations pag hindi nakalusot.

At para rin sa pamilya na pag maraming mga anak, mas siyempre mapapansin mo ‘yung mas malambing at mas masunurin. Lahat ng artista malaki ang chance sumikat, pero nabibigo dahil walang focus, hindi driven at siguro nga, not meant to succeed.

Nandiyan lang ang Artists Center to guide them, teach them pero nasa artist pa rin ang huling susi sa succees.

Nakita ko si Vic del Rosario ng Artists Center na personally affected sa mga issue ng mga artistang under his care, ang mala-nanay na care ni Tracy, all the members ng team Artists Center doing their best to keep upfloat the career of their contract stars na medyo conservative lang, hindi mala-gungho style na ginagawa namin nila Douglas Quijano, pero slow but sure ang steps nila.

Congrats guys, well done, konti pang pasensiya, at lahat iyan graduate to success, naniniwala ako.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with