^

Pang Movies

Rocco laging ka-bonding ang mga anak nina Marian at Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rocco laging ka-bonding ang mga anak nina Marian at Dingdong
Rocco

Like brothers na ang turingan nina Dingdong Dantes at Rocco Nacino ngayon. Noon pa naman ay friends na sila dahil pareho silang Kapuso stars, pero mas naging close sila simula nang mag-training  para sa Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun, (DOTS PH) na first project nila together, at ngayon na halos everyday sila nagti-taping.

Parehong reservists na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sina Dingdong at Rocco kaya lalo silang naging magka-vibes.

 Sa Dots Ph, si Dingdong ay si Captain Lucas Manalo o Big Boss at si Rocco ay si TSgt. Diego Ramos o Wolf.

“Bukod sa pagti-taping namin ng serye, magkasama kami kapag may mga courtesy calls kami sa AFP events,” kuwento ni Rocco. “At kapag ganoong magkasama kami, madalas ang kuwentuhan namin tungkol sa family, at nagtatapos iyon sa pag-iimbita niya sa akin sa bahay nila, madalas ipinaghahanda kami ni Marian (Rivera) ng lunch, na ang sarap lagi ng mga luto niya. Then nakikipaglaro ako sa mga anak nila, sina Zia at Ziggy, na ang ku-cute.

“Kaya iyong mga ganoong pagkakataon, nagiging bonding moments din namin ni Dong, na kailangan namin dahil kami ang madalas magkaeksena sa serye namin. Sa story, kung napapansin ninyo, kami ang nagsi-share ng problema namin, hindi lamang sa Alpha Team namin, kasama na ang personal lovelife namin sa story. Siya kay Dr. Maxine (Jennylyn Mercado) at ako kay Captain Moira (Jasmine Curtis Smith).”

Kita naman talaga sa DOTS PH ang ganda ng mga samahan nila at ng Medical team naman na pinangungunahan ni Jennylyn na napapanood gabi-gabi  after ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMA Primetime Telebabad.

Sarah Carlos Kapuso na rin

Tanong ng netizens na sumusubaybay sa Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime, kung sino ang bagong actress na una nilang napanood last Saturday, February 15, na ang name ng character ay si Emerald? Maganda siya at katambal ni James Blanco na special guest din sa serye na dinidirek ni Ms. Gina Alajar.

Bagong Kapuso star pala si Sarah Carlos, 25 years old at dati siyang Kapamilya. Una siyang nakilala nang gampanan niya ang role ni Bea Bianca sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla in 2015. 

Kabilang si Sarah sa Star Magic ng ABS-CBN at lumabas na rin sa ibang programa ng network.

Napapanood ang Prima Donnas Mondays to Saturdays sa GMA-7.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with