^

Pang Movies

Robin tuloy ang pagtira sa mga Kapamilya!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Robin tuloy ang pagtira sa mga Kapamilya!
Robin

Bawat araw eh may nadadagdag na characters sa on-going franchiserye ng ABS-CBN.

Si Senator General Ronald “Bato” de la Rosa ang lumutang nu’ng isang araw. Tinalakan siya sa social media nina Angel Locsin, Zsa Zsa Padilla, Agot Isidro and yes, DJ Cha Cha.

‘Yun nga lang, mas pinatulan ni Sen. Dela Rosa ang banat ni DJ Cha Cha kesa kina Angel, Zsa Zsa at Agot. Eh dahil sa ginawa ni DJ Cha Cha, nagising siya the next day na puro banat ng trolls ang natanggap kaya naging busy siya sa kapipindot ng block button sa fone!

Pero mas exciting din ang bagong sub-plot ng franchi-serye involving Robin Padilla at Coco Martin, huh!

Tungkol ito sa umano’y maltreatment ni Coco sa staff and crew ng kasalukyang series. Idinenay ito ng kampo ni Martin at biruan lang daw ‘yung buhusan ng tubig sa taping.

Hindi naman against si Binoe sa renewal ng franchise ng ABS. “Nais ko lamang gamitin ang oportunidad na ito upang mapag-usapan ang mga issue lalo na sa labor, issue ng manggagawa na tiyak hindi na mapag-uusapan kapag naibigay na ang prangkisa.

“Ito po ang pagkakataong makipag-negotiate.. Upang maging mas makatotohanan ang sinasabing “service to the Filipino people” na sana ay magsimula sa mismong bakuran ng pamilya…”

Female celebrity at actor na nagkaroon ng one night stand, nagtikiman uli nang magkita!

Mamasa-masa ang feeling ng isang female celebrity nang muling magkrus ang landas nilang first love niyang aktor.

Matagal na ang naging relasyon nila pero unforgettable ang one-nightstand ng celeb sa aktor.

Naging in-active kasi ang aktor sa showbiz dahil may asawa’t anak na siya at sa negosyo na naka-focus ang mundo.

Negosyo na rin ang focus ni girl kaya nang magkrus ang landas ng dating love, sinamantala na nila ang pagkakataong ‘yon upang muling hagkan ang nakaraan kahit ilang oras lang, huh!

vuukle comment

RONALD DE LA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with