Aktres na may mister na TV host, gusto munang siguraduhin ang pagbubuntis
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 21, 2020 - 12:00am

May isang aktres na buntis ngayon, pero quiet muna siya tungkol sa interesting stage sa kanyang buhay!

Wala namang problema kung mabuntis si aktres dahil may mister naman siya, isang actor/singer na mas kilala sa pagiging TV host.

Actually, marami akong kilala na quiet muna kapag nalalaman nilang buntis sila. Marami sa kanila ang pina­lalampas muna ang first trimestral para sure na sure na raw ang kapit ng sanggol sa sinapupunan.

Well...

Baron nagsalita sa naging bonding nila  nina John Lloyd at Bea

Kahapon ay nakatsikahan ko sa Facebook Messenger si Baron Geisler.

Inusisa ko siya sa na-post sa internet na “reunion” nilang tatlo nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isang restaurant.

So, ano ba ‘yon?

May pelikula ba silang pagsasamahan?

“Ah sa Rockwell ‘yun, nagkataon lang, after ko sa Manoy, nagkasalubong kami then he invited me to sit with them.

“No movie project. Hehehe. How I wish I get to work with him again, even Bea.

“I had dinner sa Mamou with my pastors. Came from a Christian event sa Cuneta Astrodome, ‘tapos nakasalubong ko nga sila at in-invite ako sa restaurant.

“I forgot the name of the restaurant, pero katabi ng Mamou, in between the entrance ng Power Plant mall.

“Not sure talaga sa name ng place. Was so engrossed with the conversation,” sey ni Baron.

Happy raw si Baron at nagka-bonding uli sila ni John Lloyd, pati na rin ni Bea.

Sarah at Matteo ikinasal nga ba?

Noong isang gabi ko narinig ‘yung tsikang magpapakasal kahapon sa isang christian place sa BGC sa Taguig City sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ang source ko ay nagsabing kumukuha siya ng marriage license at mga taga-Taguig City Hall daw ang nagsabi sa kanya na kumuha rin daw ng marriage license doon sina Sarah at Matteo at February 20 (kahapon) nga raw ang kasal ng dalawa.

Taga-showbiz din kasi ang source ko, kaya baka raw naitsika sa kanya ng taong kausap niya.

Well, kung sakaling true nga ang kasalang ‘yan kahapon ay hindi naman ‘yan naililihim, huh!

Right, Ateng Salve?!

‘Yun na!

BARON GEISLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with