^

Pang Movies

Jake hindi na kukuha ng manager?!

Pang-masa
Jake hindi na kukuha ng manager?!
Jake

MANILA, Philippines — Nakausap namin si Jake Ejercito sa birthday party ng kapatid na si Jinggoy Estrada at pinag-uusapan pa lang namin kung sino ang puwedeng maging showbiz manager niya. Sabi ko nga kahit wala ay okay lang, since anak naman siya ng mga dating artista na puwede siyang gabayan bilang mga beterano sa larangang ito. Kaya nagulat kami nang biglang nabalita na ipe-present na siya ng ALV Management na hindi naman natuloy. Ayon kay Jake ay ang kuya niyang si Jinggoy ang nagsabi sa kanila ni Julian na anak ni Jinggoy, na kay Arnold Vegafria na lang magpa-manage.

Hindi nga lang natuloy ang contract signing dahil hiniling pala ng ina ni Jake na si Laarni Enriquez na mag-usap muna sila ni Arnold Vegafria na rason kaya na-postpone ang pagpirma ng management contract nito sa grupo ni Arnold.

Alden big winner

Iba na talaga ngayon si Alden Richards. Big winner siya sa katatapos lang na 4th GEMS Hiyas Ng Sining Awards matapos magwagi bilang Best Actor in a TV series para sa primetime series niya na The Gift. Masayang-masaya si Alden dahil ayon sa kanya, ang award na kanyang natanggap ang pinakaunang niyang regalo matapos magwakas ang serye last week.

Thankful din siya sa parangal na tinanggap kasama ang kanyang direktor na si Cathy Garcia-Molina para sa Hello, Love, Goodbye na may pinalaking kinita last year.

Ruru at Jeric laging kabuntot sina Bianca at Klea

Nitong Valentine’s Day ay ang mga alaga naming sina Jeric Gonzales at Ruru Madrid ang tinutukan namin.

Si Ruru Madrid as usual ay kasama si Bianca Umali dahil sa isang mahalagang event ng Converse bilang sila ang mga endorser nito.

Si Jeric naman ay kasama si Klea Pineda sa Hershey’s na ngayon namin nalaman na meron palang ganun dito sa Manila.

Mukhang sila ang nag-date nitong Valentine’s Day.

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with