^

Pang Movies

Daniel hindi pa ‘limot’ si Heart!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Daniel hindi pa �limot� si Heart!
Daniel

Hindi siguro inaasahan ni Heart Evangelista-Escudero na magku-comment ang kanyang ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga sa isang Instagram post niya.

Nag-post sa IG si Heart noong mag-celebrate ito ng kanyang 35th birthday kasama ang kanyang mister na si Chiz Escudero, ang kanyang pamilya at kaibigan sa Baguio City.

“Birthday salubong with these amazing people. Couldn’t have spent my 35th birthday better than this. It was a night filled with fun, laughter, and love. Thank you to everyone who greeted me too,” caption pa ni Heart.

Isa nga sa nag-comment ay ang Brazilian-Japanese ex-bf niyang si Daniel.

Nag-comment ito ng raising hand emojis at naintriga ang 4.9 million followers ni Heart on IG.

Nakarelasyon ni Heart back in 2011 pagkatapos nilang gawin ang teleserye na Langit Sa Piling Mo. Pero nag-break sila noong 2012.

In good terms pa rin naman daw si Heart sa sister ni Daniel na si Vanessa Matsunaga-Sunga.

Kung happily-married si Heart with Chiz for five years na, si Daniel naman ay balitang single na naman. Nabalita kasing break na sila ng kanyang Polish girlfriend na si Karolina Pisarek noong December 2019. Dahil daw sa “infidelity” kaya nakipaghiwalay daw si Karolina kay Daniel.

Anne naiinip na sa paglabas ng anak

Naiinip na siguro si Anne Curtis sa paghihintay ng araw ng kanyang panganganak sa baby girl nila ng mister na si Erwan Heussaff, kaya naisipan nitong magpa-nude photo session habang malaki pa ang tiyan niya.

Ala-Demi Moore ang preggy pictorial ni Anne kunsaan ang may takip lang sa kanyang hubo’t hubad na katawan ay ang kanyang boobs at kepyas.

Mala-diyosa nga ang dating ni Anne sa kanyang nude pregnancy photo at maaalala mo ang paintings noong 17th century kung saan mga hubo’t hubad at bilugan na mga babae ang pinipinta ng renaissance artists.

Anyway, ginawa raw ito ni Anne dahil birthday niya noong nakaraaang February 17 at nilagay niyang caption sa Instagram ay “Birthday Suit”.

Pag-share rin ito ni Anne sa malaking pagbabago ng katawan ng isang babae kapag buntis ito.

Hollywood Princess na si Amanda Bynes, ikakasal na!

Na-engaged na ang former Hollywood Princess na si Amanda Bynes noong nakaraang Valentine’s Day. Pinost ng 33-year old actress sa kanyang Instagram ang kanyang diamond engagement ring na mula sa kanyang fiancé na nagngangalang Paul Michael.

Kinumpirma ng E! News na totoo at hindi fake ang engagement ni Amanda.

Sumikat si Amanda noong 1999 dahil sa kanyang Nickelodeon show na The Amanda Show. Dito nai-launch ang kanyang career as a teen star at nabigyan siya ng sarili niyang sitcom titled What I Like About You.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with