Dennis gustong gumawa ng pelikula kasama sina Gerald at Julia
Dennis
Dennis gustong gumawa ng pelikula kasama sina Gerald at Julia
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 20, 2020 - 12:00am

Patayan daw ang tema

Nagulat pa rin kami, kahit na sinabi niya later on na “joke lang iyon” dahil comedian daw siya. Sabi ni Dennis Padilla, at iyon ay on air, gagawa rin daw siya ng pelikula na ang title Julia and Dennis and Gerald. Pero hindi raw love story iyon, kundi isang action thriller. Magsisimula raw ang pelikula na makikita siyang naghahasa ng itak. Matatapos ang pelikula na naghahasa pa rin siya ng itak.

Biro pero may laman. Ano nga kaya ang tunay na damdamin ni Dennis na tatay ni Julia Barretto sa nangyari sa kanyang anak? Naniniwala ba siyang si Gerald Anderson lang ang may kasalanan sa nangyari?

Kung totoo mang noon ay niligawan ni Gerald si Julia, nanligaw lang siya. It always takes two to tango, kasabihan nga.

Pasabog ni Robin hindi na bago female anchor na mabait ang image, pinagmumura ang mga staff na sumablay

Aywan nga ba kung bakit ang kuwento ni Robin Padilla ay nauwi doon sa isang audio man na inantok at nakatulog na raw sa mismong puwesto niya dahil sa matinding pagod, na binuhusan diumano ng tubig ni Coco Martin para magising. Pero sinabi naman ni Robin na hindi lang si Coco ang gumawa niyan, “maaaring natutuhan niya iyan sa mga nauna sa kanya.” Dahil maraming mga ganyang nangyayari talaga sa shooting o sa taping ng isang TV show.

Maski kami mismo, na-shock kami nang minsang mapanood namin ang taping ng isang public affairs program, na nang magalit ang female host, pinagmumura niya ang staff ng kanyang show kahit na maraming tao sa paligid. Kung titingnan mo siya sa harap ng camera, talagang kagalang-galang, pero noong marinig namin ang walang habas niyang pagmumura sa kanyang staff, aba eh hindi na namin alam kung ano ang iisipin namin sa kanya.

May isa pang kuwentong naalala namin. Nagalit ang isang director sa isang production crew, binatukan niya iyong tao at pinagmumura rin sa harapan ng napakaraming taong nanonood sa shooting nila. Sinabi pa ni direk: “kung si direk iyan (na ang tinutukoy ay isang legendary director na sinasabi niyang mentor niya) hindi lang iyan ang aabutin mo.”

Kinabukasan, duma­ting ang award winning at legendary director sa opisina ng film company. Nagkataong naroroon din kami. Hinanap ang director na bumatok at nagmura sa staff. Nakangiti iyong lumapit sa kanya. Ang ginawa ng legendary director, binatukan ang mayabang na director at binasagan pa ng hilaw na itlog ng manok sa ulo. Pinagmumura rin niya at pinangaralan, at sinabing “kung gagawa ka ng kalokohan, huwag mong idadamay pati pangalan ko. Hindi ako kasing bastos mo.”

May isa ring leading lady. Dumating nang late sa shooting. Pagdating, hindi niya nagustuhan ang damit na ipasusuot sa kanya sa eksena. Tinawag niya ang director at nagbunganga. Tapos minura ang production designer. Ang layo sa kanyang image na napakabait pa naman.

Aktres sinisisi ng dyowang aktor sa pagpatol nito sa bading

Awang-awa na kami sa female star, na ang balita namin natututo na rin daw maglasing on her own, dahil hindi niya matanggap ang katotohanan na ngayong wala na siyang pera, at hindi na niya mabigyan ng pera kagaya nang dati ang kanyang male star boyfriend, parang siya pa ang sinisisi sa ginagawa noong pagpatol sa mga bading.

Hindi naman katungkulan ng girlfriend na sustentuhan ang lalaki, at lalong bakit niya magiging kasalanan kung ibinebenta na ng lalaki ang kanyang katawan sa mga bading?

DENNIS PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with