^

Pang Movies

Xian walang pahinga sa pelikula

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Xian walang pahinga sa pelikula
Xian

Kabubukas pa lang sa mga sinehan kahapon ang Untrue movie ni Xian Lim (with Cristine Reyes), pero may bago na naman palang pelikulang gagawin ang boyfriend ni Kim Chiu.

Iba pa ‘yon sa movie niya with Alex Gonzaga na malapit na ring ipalabas, plus ‘yung movie naman nila ni Ryza Cenon na sinu-shooting pa nila.

Obvious na favorite ng Viva Films si Xian.

Sylvia tumutulong sa serye nina Julia at Arjo

Isa sa mga bida ng weekly action series na 24/7 ng ABS-CBN si Arjo Atayde.

Sa Sunday na pala ang simula nito.

Ang 24/7 ang comeback ni Julia Montes.

Ang nanay ni Arjo na si Sylvia Sanchez ang nagpadala sa akin ng teaser ng 24/7 dahil tinutulungan niyang i-promote sa mga kaibigan ang bagong show ng anak.

Ogie naimpluwensiyahan na si Regine sa CLOY

Pumirma ng bagong network contract kahapon sa ABS-CBN si Ogie Alcasid.

Kahit may issue pa sa franchise renewal ng Kapamilya network, majority ng stars ng Dos ay wala pa ring balak kumalas sa kanila.

Sabi ni Ogie, proud siya sa pagiging Kapamilya.

Nagbigay nga pala ng support si Regine Velasquez-Alcasid sa muling pagpirma ni Ogie ng kontrata sa Dos.

Sumama si Regine sa pagpirma kahapon ni Ogie ng contract renewal.

‘Kaaliw nga pala si Ogie dahil isa siya sa mga nahuhumaling sa Crash Landing On You Korean series.

Actually, pati nga raw si Regine ay na-influence ni Ogie sa panonood ng Crash Landing On You, huh!

Anak ng isang kilalang comedian nasanay na hindi nagbibigay ng komisyon sa manager!

‘Kaaliw ang aktor na ito na anak ng isang kilalang comedian.

Nasanay pala si aktor na hindi nagbibigay ng komisyon sa kanyang manager.

Sanay kasi si aktor na hindi nanghihingi ng komisyon sa kanya ang manager, kaya hindi na siya nagkukusang magbigay.

Tsk... tsk... tsk...

Pinoy shows sa Amerika patok na patok!

Maraming shows ang naka-line-up ngayon sa Amerika.

Ilang mga Pinoy ang katsikahan ko habang nasa Los Angeles, California ako at marami sa kanila ang excited sa Iconic concert tour nina Sharon Cuneta at Regine.

Obvious na papatok ‘yon sa Amerika!

Inaabangam din doon ang concert tour ni Moira dela Torre.

Last weekend naman nagsimula sa East Coast ang Queen of Soul US tour ni Jaya.

This weekend, sa West Coast naman lilibot ang Kapamilya singer dahil may shows siya sa San Leandro, Anaheim at San Diego.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with