Ellen may hudyat na ng pagbabalik!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 20, 2020 - 12:00am

Nanghinayang talaga ako sa love story nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Pagkatapos nilang mag-sacrifice para sa kanilang relasyon at magkaanak, heto nga at hiwalay na ang dalawa.

Pero siguro naman ay maayos ang kanilang paghihiwalay for the sake of their son na si Elias.

Basta  happy ako na nakuha ng Kamiseta Skin ni Cris Roque si Ellen Adarna bilang endorser.

Ito na rin siguro ang hudyat na nagbabalik-showbiz na si Ellen.

Well, maganda naman naging tatak ni Ellen sa career niya bilang artista, naging professional naman siya kaya siguro madali na rin siyang makakabalik sa iniwan niyang puwesto.

Sexy comedianne ang dating ni Ellen noon bago nabuntis kaya sana balik-sitcom siya o baka naman sa mga dramaserye pa rin siya isasali.

Exciting days ahead for Ellen, at good start na alaga siya ngayon ng Kamiseta Skin ni Cris Roque, kaya siguradong balik-ganda at alindog ang beauty niya.

Andre natipuhan ang pagiging shy type ni Ysabel

Mukhang may interest si Andre Paras na manligaw ngayon. Kasi nga may nagsabi sa akin na nagustuhan daw ni Andre ang pagiging tahimik at mahiyain ni Ysabel Ortega.

‘Di nga ba kaya hindi noon type ni Andre si Barbie Forteza ay dahil naiingayan siya?

Ang type kasi ni Andre ay iyon tahimik at shy type.

Actually, silang magkapatid ‘pag kausap ko ang father nilang si Benjie Paras, lumalayo sila, kasi wah nila type ang lakas kong magsalita. Hahaha!

Gusto nila ni Kobe, mga babaeng prim and proper.

Eh ganun si Ysabel.

Kaya mukhang nagka-interes si Andre sa pagiging tahimik at shy ni Ysabel na kung minsan tuloy inaakala ng iba na supladita at aloof dahil lagi lang nasa isang sulok sa sobrang mahiyain.

Maganda siguro ang magi­ging pairing nila kung sakali dahil tignan mo, parehong tisay at tisoy, parehong nag-aaral kahit pa nga nasa showbiz at parehong conservative.

Baka nga silang dalawa na ang pinagtagpo ng tadhana ‘di ba?

Malay n’yo, magkaroon na sila ng lovelife hahaha, about time na noh, puwede na ‘di ba!

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with