Ogie Alcasid
Lahat na… Ogie Alcasid nababaliw na rin sa K drama!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

“What is happening to me???,” post ni Ogie Alcasid habang nakababad sa panonood ng Korean hit drama na Crash Landing On You.

“Teka! Teka! Ako naman!  

CrashLandingOnYou

Hyunbin #capri,” ang post naman ni Arnold Clavio sa edited photo nila ng Korean actress na si Son Ye-jin na gumanap na billionaire heiress na napadpad sa North Korea habang nagpa-paragliding.

May ginawa ring edited photos si Igan sa co-anchor niya sa Saksi na si Pia Arcangel ng photo naman nila ng bidang actor na si Hyun Bin. “Eto palang partner ko ay ‘fan’ ng Korean actor na si Hyun Bin ng Crash Landing on You... At narito ang kanilang souvenir photo na nahalungkat.”

Ang tindi ng naging tama sa Pinoy fans ng nasabing Korean drama na tungkol sa isang mayamang babae at isang North Korean military officer na sa kabila ng conflict ay nagawa nilang magkaroon ng masayang relasyon sa Pinoy fans.

Bukod sa mga nagkalat na edited photos kasama ang mga bida nito, nagbabalak na rin ang karamihan na bumiyahe ng South Korea para puntahan ang mga location ng drama na nang puntahan ng isang Pinay fan ay nag-viral talaga.

Takot ang iba ngayon na magbiyahe dahil sa coronavirus na ang huling update nga ay pati ang head ng isang hospital sa Wuhan, China na  epicenter ng coronavirus outbreak ay namatay na rin.

Eh nag-announce pa ang South Korea ng economic emergency habang ang Singapore ayon sa Reuters ay nagbawas na ng flights dahil na rin sa nasabing virus.

Naku oras na mawala ang virus na yan, naku humanda na ang South Korea, tiyak dadagsa ang Pinoy fans doon.

Marcelito Pomoy tambak ang offer kahit 4th placer lang sa America’s Got Talent

“Madami, sobra!” sagot ni Marcelito Pomoy nang tanungin siya ni MJ Felipe ng ABS-CBN.com kung may mga natatanggap na ba siyang offer matapos nga siyang maging fourth placer sa America’s Got Talent final result.

Bagama’t disappointed siya na hindi siya nanalo na ang sinisisi ng karamihan ay si Simon Cowell na namili ng kanyang kinanta sa final showdown, nagpapasalamat na rin si Marcelito at nakilala siya sa buong mundo na singer na may boses ng babae at lalaki.

 “Kahit sino namang contestant, ‘pag tinawag kang third place or fourth place, siyempre nakakasama rin ng loob. Sa akin, okay lang, kasi siyempre, malaking advantage sa akin kasi nakilala ako all over the world,” saad niya kay MJ.

Pero dinagdag naman niyang tanggap naman niya ang tinadhana sa kanya.

OGIE ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with