Vice, Annabelle
Vice Ganda nakahanap na ng katapat!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

Itinuloy nga ni Vice Ganda na kukunin niyang guest si Annabelle Rama sa Gandang Gabi Vice matapos mag-guest ang anak nitong si Ruffa Gu­tierrez two weeks ago.

Last Sunday ay nag-appear na nga si tita Annabelle and as usual, kuwela ang episode dahil sa mga pinagsasabi ng ina nina Richard and Ruffa, pati na rin ang mga banter nilang dalawa.

Pinakanakakaaliw na parte ay nang tanungin ni Vice si Annabelle kung ano raw ang pinakamabigat na ginawang kasalanan sa kanya ni Ruffa.

“Alam mo, si Ruffa, mabait naman talaga ‘yan. Siyempre, mahal ko kasi only daughter,” simulang sagot ni Tita Annabelle.

‘Yun nga lang, ‘yung mga ayaw daw niya ay sinusuway ng unica hija.

“Unang-una, sabi ko sa kanya, maghanap siya ng boyfriend (na) bubuhay sa anak niya at saka sa kanya.

“Hindi siya kailangang magtrabaho, kasi matalino naman siya, maganda. Hindi naman siya bobo, diba? Ang ayaw ko lang, pagdating sa lalaki, talagang bobo talaga siya,” pahayag pa ni tita Annabelle.

Sumagot si Vice at aniya, iba naman daw ang love.

“Para sa iba, ‘yung ginawa niyang desisyon sa love, eh hindi smart. Pero sa isang tao, para sa kanya, smart ‘yung naging desisyon niya sa pag-ibig.”

Sagot ni tita Annabelle, “kalokohan naman ‘yan Vice, may dalawang anak na siya, eh,” sabay-tanong kay Vice ng “ikaw ba, na-in-love ka ba sa ganyan, walang pera rin?”

Hahaha! Panalo!

And in fairness, ‘yung pagka-witty na ‘yun ni Vice, hindi siya talaga nakasagot agad.

Ang nasambit na lang niya, “tita, inaano kita?”

Hahaha!

Nakahirit naman si Vice ng “kasi, maraming taong naniniwala talaga sa love. Walang edad, walang estado sa buhay, di ba? Universal, wala ngang kasarian.”

Sagot na naman ni tita Annabelle, “tandaan mo ‘to Vice, ha, pag tumanda ka na, ta’s bata ‘yung kinakasama mo, iiwan ka rin niya.”

Napasigaw si Vice Ganda at sinabing, “naku, tita, wala ito. Tissue nga! Ang init!”

Well, siyempre, sapol si Vice sa mga sinabi ni tita Annabelle dahil alam naman nating mas bata talaga sa kanya ang boyfriend niya ngayong si Ion Perez.

‘Yung walang pera, hindi naman literal na “walang pera” si Ion dahil kumikita naman ito, pero alam din naman nating milya-milya ang agwat ng income ni Vice Ganda sa kanya kaya masasabing sapol pa rin dun ang Unkabogable Star.

Pero nakakatuwang hindi talaga nakapiyok si Vice Ganda sa mga hirit ni tita Annabelle sa kanya na very unusual dahil sa mga iba niyang guests ay talagang nakapagtataray siya nang bonggang-bongga at never mo siyang maa-outsmart.

Si tita Annabelle lang pala ang katapat ni Vice Ganda.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with