Mga anak ng celebrity couples, ang bibilis magsilakihan
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

How time flies Salve A., mantakin mo, nag-one year old na agad ang kambal nina Korina Sanchez at former senator Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.

The twins, as well-publicized, were conceived via gestational surrogacy.

Samantala, ang isa pang cute na batang si Zia Dantes na panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay four years old na rin, and don’t look now, she has the most number of endorsements among children of her age.

Papasa namang matinee idol ang bunso nilang si Sixto o Ziggy na magwa-one year old na rin sa April 16.

Did we hear it right na wala pa raw ulit balak na sundan si Ziggy nina Marian at Dingdong?

Cassy at Mavy hindi pa alam kung anong kukuning course

Like Dingdong, who is busy with his new series, Descendants Of The Sun, magiging busy na rin si Marian.

Anytime soon ay magsisimula na siya sa bago niyang serye na My First Yaya kasama si Gabby Concepcion sa kauna-unahang pagkakataon.

Marian refuses to discuss much about the project yet, except that the series will feature one of the twins nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na si Cassy Legaspi.

Cassy just turned 19 last January 6 kasabay ng kakambal niyang si Mavy Legaspi. They appeared in numerous commercials at ang most recent lang ay ang commercial nilang buong pamilya sa isang sikat na brand ng ice cream.

My First Yaya is Cassy’s first teleserye.

Both Mavy and Cassy graduated from high school recently. Their parents attended the commencement ceremony sa Ateneo de Manila University.

It’s not known yet what Mavy nor Cassy will study in college next school year.

Coney ayaw pakialaman ang lovelife ni Mayor Vico

Coney Reyes is one proud mom whenever she hears or read in social media sa mga achievement ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Coney said, she had no idea Mayor Vico would venture into politics, although he has always looked up to his uncle, Senate President Tito Sotto, elder brother ng tatay nitong si Vic Sotto.

Sumabak sa politics si Mayor Vico noong 2016 noong siya ay nasa mid 20s pa lang (he’s 30 now). He ran for a seat on the Pasig City Council last year.

He won the election as an independent, but only served for one year. He joined the Aksyon Demokratiko Partylist in 2019, the year he won bilang Mayor ng Pasig.

Bagama’t ayon kay Coney, hindi niya pinapakialaman o pakikialaman kapag usapang puso na ng kanyang anak ang topic. She doubts kung may special someone na ito sa kasalukuyan.

Tulad ni Vic, hindi rin daw naniniwala si Coney na may malalim na ugnayan si Mayor Vico at ang latest na na-link dito na Kapamilya TV host na si Gretchen Ho.

Kung sabagay, ilang malalapit din kay Gretchen ang may dudang may ibang pag-ibig ito. Huli siyang na-link bago kay Mayor Vico ay kay Robi Domingo.

Si Robi ay masaya na ngayon sa girlfriend nitong si Maiquee Pineda.

Of Coney, she’s getting kudos for her performance sa serye nila nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Rhian Ramos na Love Of My Life.

Gumaganap siyang ina ni Tom sa serye na may mataas na standards, and thus, will stop at nothing to give her family the best, she thinks.

In the process, she hurts a lot of people, especially ang babaeng mahal ng kanyang anak.

MAR ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with