Maricel nakabantay sa career ni Donny!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

Ang gandang tingnan ng pamilya nina Anthony at Maricel Laxa-Pangilinan na suportado ang anak nilang si Donny Pangilinan sa career nito bilang isang artista.

At nakakatuwa talaga na para bang stage mother si Maricel na alagang-alaga ang anak.

Hanga ako na hanggang ngayon ay ganun pa rin ang looks ni Maricel, na tulad ng nanay niyang si Imelda Ilanan, talagang na-maintain ang kanyang youthful beauty.

At nakakatuwa na mas mataas pa sa kanila ni Anthony ang anak na si Donny na isa ngayon sa mga hot youngstar ng Star Magic.

For sure magiging mahusay ding artista si Donny na as of now siguro, dahil baguhan at batang-bata pa, wala pang masyadong huhugutan ng emosyon, but give him more years, sure ako he will be a good actor.

Go go Donny Pangilinan, show them your talents.

Mayor Toby nangayayat sa rami ng ginagawa!

Natuwa naman ako nang makita namin ni Pat P. Daza si Papa Toby Tiangco na mayor ng Navotas. Siyempre ang daming stories pero lahat off the record dahil conversation ‘yun between friends.

Nakakatuwa dahil napansin namin na pumayat si Papa Toby dahil talaga palang ang isang Mayor ay 24/7 kung magtrabaho, hindi tulad ng mga Congressman na ‘pag off session ay nakakapagpahinga.

Halos wala na palang rest day si Papa Toby dahil nga sa dami ng trabaho sa Navotas.

Ay naku Papa Toby, relax na lang tayo sa next fight ni champ Manny Pacquiao, dahil ikaw ang lucky charm niya.

Imposible na hindi ka piliting isama. Go go Papa Toby.

Jinggoy malambot ang puso

Wish ko talaga na masaya si Papa Jinggoy Estrada sa kanyang birthday, Salve, nung isang araw. Isa sa mababait na tao na kilala ko ay si Jinggoy, kaya alam ko kung gaano kalambot ang puso nito sa tao, lalo na sa mga dapat tulungan.

Sure ako na makakabalik si Jinggoy sa dating kinalalagyan, at hindi siya iiwan ng mga dating kaibigan dahil alam kung gaano siya kabait. Basta sana rin tangkilikin ang ginagawa niyang pelikula na Coming Home na leading lady si Sylvia Sanchez. 

 Love you Jinggoy. Love you Sylvia, kahit ayaw kami i-invite ni Tinnie at Arnold sa presscon mo, okay lang. Hahaha!

MARICEL LAXA-PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with