John Lloyd
John Lloyd malaki ang investments sa paintings!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

Si John Lloyd Cruz sa isang art exhibit sa SM Aura last week.

Isang politician-friend ko ang nakatsikahan si John Lloyd at mukhang masaya naman daw ang (semi-retired) actor.

Bumilib ang kausap ni John Lloyd sa kasimplehan ng dating matinee idol.

Mahilig nga pala si John Lloyd na mag-attend sa mga art exhibit dahil napakarami niyang collection ng paintings.

Noong araw ay grabe raw kung mamili ng paintings si John Lloyd.

In fairness, marami sa kanyang paintings na nabili ang mas tumaas pa ang presyo.

Sa paintings pa lang daw ay napakalaki na ng investments ni John Lloyd at kung idi-dispose niya ang mga ‘yon ay napakalaking pera raw.

Ang bongga!

‘Yun na!

Mga artistang lumipad pa-Amerika, lahat matagumpay

Alam mo, Ateng Salve, maraming mga artista noon sa atin ang matagumpay na ngayon sa Amerika.

Habang nasa Los Angeles, California ako ay may kaibigan akong nakatsikahan at nagkuwentong ang magkapatid na Carlo at Leandro Muñoz ay pawang maganda raw ang buhay doon.

Pareho raw kasing masipag ang magkapatid.

Si Leandro raw ay into insurance at si Carlo naman daw ay may posisyon sa isang facility.

“Ang maganda sa kanila, nagtrabaho sila ng regular, kaya gumanda ang buhay nila dito sa Amerika,” sabi ng kausap ko.

Parehong magaling na mga artista ang magkapatid, pero tinalikuran ng mga ito ang showbiz.

Raymond excited na sa kasal ng kakambal

Si Raymond Gutierrez kahapon sa NAIA.

Dumating siya ng Philippines kahapon mula sa L.A. via Korea.

Sabi ni Raymond, bukod sa beach bridal shower ni Sarah Lahbati na inaasikaso nila, marami rin siyang events na kailangang asikasuhin kaya umuwi na siya ng bansa.

Sobrang excited si Raymond sa nalalapit na wedding ng twin-brother niyang si Richard Gutierrez kay Sarah on March 14.

Lumabas na rin ang Save the Date videos nina Richard at Sarah at ipapadala na rin ang wedding invitations next week.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with