Kambal ni Korina active na active sa social media
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

Ang award-winning TV host at former news anchor na si Korina Sanchez na yata ang pinakamasipag mag-post sa social media na may kinalaman sa kanilang kambal na anak ng mister niyang si dating DILG at senator Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.

Magmula nang dumating sa kanilang buhay ang kambal ay walang araw na hindi nagpu-post si Korina ng pictures at activities ng kanilang twins kaya nasubaybayan ng netizens ang paglaki ng mga ito.

Ngayon ay one-year-old na sina Pepe at Pilar at isang barnyard-themed birthday celebration ang ibinigay sa kambal last Saturday afternoon na dinaluhan ng malalapit nilang mga kaibigan at mga bata.

Nakapahinga man ngayon sa pulitika si Sen. Mar, nagi-enjoy naman siya ngayon sa kanyang pagiging hands-on dad sa kanilang twins.

Si Sen. Mar ay may binata nang anak na si Paolo Roxas (na naka-base sa California, USA) sa kanyang ex-girfriend noon, ang dating beauty queen na si Maricar Zaldarriaga.  

Si Paolo ay very close sa kanyang step-mom, ang Rated K host na si Korina.

Rachelle Ann tiyak na sa kasal ni Sarah

Ang 33-year-old singer-actress na si Rachelle Ann Go ay isa sa mga natutuwa for her good friend Pop Superstar Sarah Geronimo para sa nalalapit nitong pag-iisang-dibdib with her fiancé na si Matteo Guidicelli. Tiyak na hindi palalampasin ni Shin (palayaw ni Rachelle Ann) ang napakahalagang araw sa buhay ng kaibigan.

Nung ikasal si Rachelle Ann sa kanyang American husband na si Martin Spies sa Boracay nung April 18, 2018, dumalo si Sarah at iba pa nilang kaibigan including Erik Santos considering na meron siyang show noon sa Amerika.

Kapag narito sa Pilipinas si Shin ay hindi puwedeng hindi sila magkita-kita nina Sarah, Erik at Yeng Constantino at iba pa nilang mga kaibigan.

Siya ay sa London na naka-base at nakabili na rin sila ng kanyang husband ng bahay doon. Nag-move na rin sa London from New York, USA ang husband ni Shin na si Martin para hindi sila magkalayo ng kanyang misis.

Second wedding anniversary na ng mag-asawa at malamang na muli silang magbakasyon sa Pilipinas para dito i-celebrate ang kanilang anniversary.

Tulad nina Sarah, Mark Bautista, Erik Santos, Christian Bautista at Yeng Santos, si Rachelle Ann ay product rin ng isang reality singing competition. In 2004, siya ang tinanghal na kampeon sa Search for A Star at kasunod na rito ang kanyang pagiging contract star ng Viva. Pero ngayon ay nasa pangangalaga na si Shin ng Cornerstone Entertainment. 

KORINA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with