Zsa Zsa naglabas ng galit sa social media
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

Ang Twitter post ni Zsa Zsa Padilla na, “Gurl, find someone else to compare your sad life with. It’s hilarious that you’re stuck in the 1980’s. Move on. May time pa. Welcome to 2020!!!”

Hmph! May kaaway ba si Zsa Zsa?

Nag-message ako sa singer/actress at inusisa ko siya tungkol doon.

“Hahaha! Tawag dyan hanash!” sagot niya sa DM (direct message) ko sa kanya.

Samantala, pinost din ni Zsa Zsa sa kanyang social media account ang picture ng pagdalaw niya sa puntod ng dating live-in partner na si Mang Dolphy (SLN) at “Always in our” with heart emoji ang caption niya doon.

27th birthday ni AJ Perez inaalala

Pinost naman ni Mang Gerry Perez ang puntod ng anak na si AJ Perez na namatay sa isang vehicular accident noong April 17, 2011.

Post ng tatay ng yumaong young actor, “Happy 27 son in heaven. We love you and miss you so much.”

Kapag ka-chat ko ang tatay ni AJ, ang yumaong anak at ang pagmamahal nila dito ang palaging topic namin.

Kahit almost nine years na yumao ang dating young actor, marami pa ring mga fan ni AJ ang ginugunita ang birthday niya.

Kahit 16 pa lang Anak ni Ruffa na si Lorin, Inilantad na ang kaseksihan

Ang bongga ng picture na pinost ni Lorin Gutierrez kung saan ay naka-two-piece white swimsuit siya.

Ang sexy ng 16-year old daughter ni Ruffa Gutierrez.

Actually, pati ang lola ni Lorin, si Annabelle Rama ay bilib sa kaseksihan ng panganay na apo.

Mana raw sa kanya si Lorin pagdating sa kaseksihan.

Noong dalaga pa si Bisaya, sobrang sexy rin siya.

Marami nga ang nagsasabing walang panama si Ruffa sa kaseksihan noon ng kanyang nanay.

So, hindi dapat mag-react si Ruffa sa dialogue ni Bisaya na mana dito si Lorin pagdating sa kaseksihan!

‘Yun na!

ZSA ZSA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with