Dimples
Dimples hindi nawawalan ng oras sa pamilya
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

Katatapos lang ng seryeng Kadenang Ginto at super tumatak sa mga tao ang kasamaan ng karakter ni Dimples Romana bilang si Daniela, kaya heto siya ngayon, sandamakmak ang offer sa kanya. TV series, product endorsements at mo­vies, kaya naman super busy na naman siya. Ganunpaman hindi niya pa rin naman puwedeng hindi mabigyan ng time ang kanyang pamilya.

Sinisiguro raw niya na may time pa rin siya sa kanyang dalawang anak na sina Alonzo at Callie at wala rin siyang problema sa kanyang hubby dahil napaka-supportive nito. Ano’t anuman daw, priority pa rin niya ang kanyang buong pamilya.

Roderick tulo-laway ‘pag natutulog

The other day, nasakbat ko si Roderick Pau­late. Hindi raw totoo na Ate Dick na siya, dahil pabiro namin siyang tinanong. ‘Di naman nagtagal ang aming batian at mukhang nagmamadali kaya agad naman siyang nagpaalam.

Bata pa siya nung una ko siyang ma-intervew, mother niya ang nag-asikaso sa amin at naalala ko, kumandong si Dick sa akin at nakatulog. Buti na lang at ‘di tumulo ang laway. Kasi sabi ng Ermat niya natulo ang laway niya ‘pag natutulog. Sagot ko naman ay oks lang kasi lahat naman yata ng tao nakaranas na matulog na tumulo ang laway noh!

Personal…

Pinagdarasal ko na sana maging maayos na ang sigalot ng ABS-CBN sa pag-renew ng kanilang prangkisa. Hanggang March 2020 na lang daw kasi ang pananatili sa ere ng nasabing network. 

Only President Rodrigo Duterte ang pag-asa na help the network. Marami po ang mawawalan ng trabaho. Please!!!

Samantala, binabati ko ang mga nanalong Board of Directors dito sa amin sa Phase-3, Golden City sa pa­ngunguna ni Manny Badiola, Mr. Ed Mangilog, Jun Incomio, at buong Paguio Team. (‘Di ko kabisado mga names sensya na).

Tayo ay magtrabaho mga tsuffatid, linis-linis ng kapaligiran at alagaan ang ating komunidad lalo na sa mga nangangailan ng inyong serbisyo. Huwag sanang tatamad-tamad at naway wala ng korapsyon! Gawing maaliwalas ang gabi sa buong nasasakupan at siguraduhing drug free ang ating lugar. 

Mabuhay Ang bagong pamunuan! Kasiyahan nawa kayo ng Maykapal, Amen.

DIMPLES ROMANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with