10th month ni Ziggy isinabay sa Valentine’s nina Marian, Dingdong at Zia
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

Sa The Farm at San Benito, Batangas nagpalipas ng Valentine’s Day weekend ang Dantes family: Dingdong, Marian at mga anak nilang sina Zia at Ziggy. Kasabay ito ng pag-celebrate ni Ziggy ng 10th month niya. 

Post ni Marian sa kanyang Instagram wall: “Maligayang ikasampung buwan mahal ko... I love you Sixto!”

Hindi talaga pinalalampas ng mag-asawang Dingdong at Marian ang mga mahahalagang araw na magkakasama silang buong mag-anak.

Direk Sigrid hindi nagkamali kina Cristine at Xian

Marami nang excited mapanood ang psychological-drama-thriller na Untrue ng Viva Films nina Cristine Reyes at Xian Lim, sa direksyon ni Sigrid Bernardo na siya ring sumulat ng story ng movie.

Hindi nagkait sina Direk Sigrid, Cristine at Xian na magkuwento kung paano sila nag-shooting sa Tbilisi, Georgia nang mapasabay sila sa -1 degree Celsius temperature roon.

Ayon kay Direk Sigrid, isang acting piece ang Untrue para kina Cristine at Xian at hindi siya nagkamali sa pagpili niya sa dalawang actors niya.

“Nagkaroon kami ng 10 days ng workshop, kumuha ako ng acting coach, at parehong napaka-professional, they studied their lines. Si Xian, sinabihan kong magdagdag ng 20 pounds at nagpabalbas siya at si Cristine pinakulayan ko ang buhok para bumagay sa roles nila. Natuwa ako na they delivered, I’m very satisfied.”

Naintindihan daw naman ni Cristine kung bakit kailangan nilang mag-workshop. “Three weeks lang ang time namin para mag-shooting doon kaya kailangang dito na namin gawin ang workshop. Pagdating doon work na kami, walang bakasyon, kailangang masunod ang lahat ng eksenang kukunan sa kabila ng freezing weather doon.”

“Sobrang lamig,” dagdag ni Xian. “Extra challenging sa amin ang shooting, ang lakas ng hangin, drama pa naman ang ginagawa namin, ang hirap talaga. Salamat kay Direk Sigrid.”

Napili raw nila ang Georgia dahil kailangan sa story konti lamang ang mga Pinoy, dahil sa story nag-migrate roon sina Mara at Joaquim, kaya nang malaman nilang 30 Filipinos ang nakatira roon, iyon na ang pinili ni Direk Sigrid. Nang mag-shooting sila, na-meet nila lahat ng mga Pinoy roon.

Nai-feature na ang Untrue sa Tokyo International Film Festival last October, 2019. Nagkaroon na rin ito ng advanced screening last February12 sa UP Film Center kaya kumakalat nang maganda ang movie. 

Tungkol ito sa dalawang Pinoy na nag-migrate sa Georgia, nagkakilala at nagpakasal na hindi muna nila kinilala ang isa’t isa.  Ano ang kasunod, heated arguments and physical abuse. Sino ang nagsasabi ng totoo sa kanila?

Ang Untrue ay produced ng Viva Films in cooperation with The IdeaFirst Company, opens in cinemas nationwide simula sa Wednesday, February 19, 2020.

Madrasta magtatapos na

Simula na ngayong Monday ang finale week ng Madrasta na nagtatampok kina Juancho Trivino, Arra San Agustin at Thea Tolentino. Kaabang-abang kung magtatagumpay pa rin si Katharine (Thea) sa pagsira kay Audrey (Arra) para bumalik sa kanya si Sean (Juancho). 

Mapapanood ito sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas. Papalitan sila ng Bilangin ang Bituin sa Langit simula sa February 24.

DINGDONG MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with