Alden
Alden bumagay ang abs!
Vir Gonzales (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang mag-display pa ng abs si Alden Richards, hindi naman daw kasi siya roon nakilala. Nakilala siya sa pagiging matinee idol at magaling na artista. Pero kinuha siya ng isang brand ng tuna para mag-model kasama si Nadine Lustre kaya napilitan din siyang magpa-abs.

In fairness, mas okay na yung katawan niya ngayon kesa dati. Dati kasi ay medyo may taba-taba pa siya, pero ngayon katawan na talaga ng machong lalaki.

Samantala, busy ngayon si Alden sa iho-host niyang programang Centerstage kung saan kasama niya si Betong Sumaya.

Katatapos lang din ng serye niyang The Gift.

Mga nakiramay sa pagpanaw ng ina ni Gov. Daniel, bumuhos

Nagmistulang flower shop ang Manila Memorial sa Sta. Rita, Balagtas, Bulacan noong burol ng yumaong ina ng Bulacan Governor Daniel Fernando noong February 13 na si Lu­ningning Ramirez.

Pumanaw ito sa edad na 87.

Napakaraming nakiramay, ang iba ay galing pa sa iba’t ibang parte ng Bulacan. 

Malungkot si Gov. Daniel dahil hindi man lang daw nahintay ng kanyang ina ang petsa ng Araw ng mga Puso.

kahapon ang libing ng ina ni Gov. Daniel.

Mga artista dapat may iba ring pagkakakitaan

Sa kaguluhang dulot ng balitang napipintong pagsasara ng ABS-CBN, maraming mga artista ang nabuksan ang isipan na hindi lang pala dapat pag-aartista ang pagbuhusan nila ng pansin, kailangan meron din silang trabaho o negosyo, para in case na tumamlay ang career nila ay meron silang ibang mapagkakakitaan. Dapat nilang malaman na hindi lahat ay palaging may shooting o taping o kaya ay out of town show.

Kailangan may fallback.

Pagpapakasal nina Sarah at Matteo si mommy Divine na lang ang hindi makatanggap?!

Bakit parang may humaharang sa kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli? Balitang ayaw pa rin daw ng ina ni Sarah na si Mommy Divine sa gagawin nilang pagpapakasal. Ganunpaman, wala naman itong magagawa, nasa tamang edad na rin naman si Sarah. Ito pa rin ang masusunod.

Usap-usapan na sa March na raw ang kasal at sa Italy gagawin, pero hindi pa ito sigurado.

Isa lamang sina Sarah at Matteo sa showbiz couples na ikakasal ngayong 2020, nakalinya pa sina Angel Locsin at Neil Arce, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings sa February born celebrants: 

Jo Berry, Joel Cruz, Malou Santos, Almira Teng, Roxanne Roxas, Len Llanes at Freddie Aguilar.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with