Sarah, Annabelle
Annabelle pinayuhan si Sarah na tigilan na ang pagseselos
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

Ngayong malapit nang ikasal sina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, ang payo ni Annabelle Rama sa kanyang daughter-in-law to be ay tigilan na ang pagseselos.

“Ang message ko kay Sarah,” sabi ni tita Anabelle nang mag-guest sila sa Magandang Buhay, “tigilan mo na ang pagseselos kasi ikakasal ka na.”

Katabi ni tita Anabelle sina Richard at Sarah na guest din, pati na ang asawa niyang si Eddie Gutierrez.

Nagtawanan na lang sina Sarah at Chard.

Patuloy ni tita Annabelle, “kasi hindi ko rin siya mabe-blame, okay? Katulad ko rin, kasi para kaming dalawang isa, pareha kami ng buhay na dalawa, eh. Pangarap niya, mapunta kay Richard, ganu’n din ako.”

Nagtawanan ulit sina Chard and Sarah.

“So ang advice ko sa kaniya kung gusto mong magtagal kayo ni Richard, wag na siyang magseselos. Tapos ‘pag mainit ang ulo ng isa, dapat pasensya na siya. Para magtagal. ‘Wag niyang salubungin ang init ng ulo,” sey pa ni tita Annabelle.

Dagdag pa niya, ang payo niyang ito ay para rin naman daw ito sa lahat dahil marami nga raw ang naghihiwalay ngayon, at hinalimbawa pa ang panganay niyang anak na si Ruffa Gutierrez na pagkatapos daw ng 3 taong kasal ay hiwalay na rin.

Nagpasalamat naman sina Chard at Sarah sa mga magulang nila sa lahat ng pagmamahal, pagtulong at sakripisyong ginawa ng mga ito para sa kanila.

Ayon kay Sarah ay parang panga­lawa na niyang ina si tita Annabelle at akala lang daw natin ay mataray ito pero sa mga kaibigan at sa pamilya, sobrang maalaga raw nito.

Kapansin-pansin na hindi pa mom and dad ang tawag ni Sarah kina Annabelle at Eddie kungdi tito at tita pa. Marahil dahil siguro hindi pa sila legal na mag-asawa ni Chard.

Ethel may Valentinong anak

Nakakatuwa na at 43 ay nabuntis pa si Ethel Booba at ngayon nga ay maayos na niyang naipanganak ang kanyang first baby.

Valentine’s Day mismo nanganak si Ethel na ibinalita niya sa kanyang Twitter account.

“Welcome to this world Little Booba. Charot!” ang caption niya sa larawan ng kamay ng kanyang anak.

Matatandaang last November ay ini-reveal ng komedyana na six months preggy siya sa baby nila ng non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.

Heart at Chiz nag-celebrate ng 5th anniversary

Nagdiwang ng kanilang 5th wedding anniversary sina Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero last Feb. 15.

Binati ni Heart sa kanyang Instagram account ang mister at nagpasalamat for making her the happiest woman in the world.

“Five years down, forever to go, my love! Happy Anniversary—thank you for making me the happiest woman in the world,” ang caption ni Heart sa wedding picture nila ni Sen Chiz.

Double celebration din ito for Heart dahil last Feb. 14 ay nagdiwang naman siya ng kanyang ika-35 na kaarawan. Makikita sa mga post niya ang larawan ng selebrasyon at salubong na ginawa sa kanya ng mga kaibigan, staff at siyempre ng kanyang mister.

Tila sa Baguio nag-celebrate ang mag-asawa ng birthday and anniversary base na rin sa kanyang mga post at sa comments ng netizens.

SARAH LAHBATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with