Rita Magdalena
Dating bold star na si Rita Magdalena tahimik na ang buhay sa Amerika
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, nang mag-message si Gorgy Rula sa Messenger group natin kahapon, kasama ko sa Los Angeles, California ang dating sexy star na si Rita Magdalena.

In passing ay nabanggit ko kay Rita ang message ni Gorgy na nangangailangan ng financial support ang entertainment press na si KC Guerrero na na-stroke kamakailan at hanggang ngayon ay nasa Capitol Medical Center pa rin.

Sabi ko kay Rita, kailangan ng pambayad sa mga doktor, kaya nag-message si Gorgy at nag-dialogue kaagad ang dating sexy star, “Paano ba, magbibigay ako!”

Nakakatuwa lang kahit na wala na sa showbiz si Rita ay kaagad siyang nag-alok na tutulong!

Si Rita ay San Diego, California based na at married sa US Navy na si Christopher Bartleson at may isa na silang anak, si Caleb, na magtu-two months na bukas.

Tahimik na ang buhay ngayon ni Rita at masaya sila ng kanyang mister.

Sabi nga pala ni Rita, noong active pa siya sa showbiz, nagka-ere rin daw siya lalo na at kaliwa’t kanan ang mga project niya noon.

“Naging pasaway rin ako doon. Hindi ko naman ikinakaila ‘yon,” sabi niya.

Ruffa may pa-beach bridal shower kay Sarah

Kasama pala si Ruffa Gutierrez sa punong-abala sa beach bridal shower ng soon-to-be ay sister-in-law niyang si Sarah Lahbati.

First week ‘yon ng March magaganap, kaya busy na sila sa paghahanda para doon.

Tama lang na magkaroon ng bridal shower si Sarah sa ganoong lugar dahil favorite niya ang mag-beach.

Pareho nilang hilig ng fiancé niyang si Richard Gutierrez ang pagbe-beach.

Vice Ganda hindi totoong minamalas kay Ion

Ang finale episode sa Sunday ng Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Hindi puwedeng sabihing minamalas si Vice at “alat” sa kanyang career ang boyfriend na si Ion Perez dahil kahit mawawala na ang GGV, siya pa rin naman ang host ng show na ipapalit doon starting March 1.

Ang Everybody Sing ang show na sinasabing papalit sa GGV.

Sa March 31 ay 44 years old na si Vice at tiyak na may bonggang pa-birthday celebration sa kanya ang bago niyang Sunday evening show.

Mga Pinoy hindi ma-imagine na wala ang ABS-CBN

Nasa Nova’s Grill Filipino restaurant ako sa Covina, California noong Saturday at nanonood ng It’s Showtime ang mga kostumer doon.

Pinag-uusapan ng mga nasa katabing mesa namin ang tungkol sa nakabinbing franchise renewal sa kongreso ng ABS-CBN.

Subscribers pala ng TFC (The Filipino Channel) ng Kapamilya network ang mga nag-uusap at ‘yon tungkol sa magiging kapalaran ng nasabing TV network.

Hindi raw nila ma-imagine na mawawala na ang Dos kung saka-sakali.

Lahat halos ay sobrang nasa-sad sa pinagdaraanan ngayon ng Dos.

‘Yun na!

RITA MAGDALENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with