^

Pang Movies

Myrtle babu na rin sa ABS-CBN?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Myrtle babu na rin sa ABS-CBN?!
Myrtle

Sabi-sabi Salve, na baka lumipat na si Myrtle Sarrosa sa GMA-7 mula sa ABS-CBN. Naalala ko na nakasabay natin sa pagpunta sa Vietnam si Myrtle kasama ang mga barkada at BF nito.

Isang bagay na hinahangaan ko kay Myrtle ay ang pagtatapos niya ng college at bongga cum laude pa siya ha. Kaya naman kahit pa nga hindi ganun ka-busy, okay lang dahil meron siyang fallback kung sakali na ayaw na niya sa showbiz.

Baby ng MegaSoft owner na si Aileen Go si Myrtle, dahil parang si Sandara Park na mahal na mahal nila ni Budingding alaga rin nila si Myrtle Sarrosa.

Whatever decision ang gawin ni Myrtle sana magtagumpay siya, kasi nga mukha siyang driven sa mga ginagawa niya.

Koreanovela parang educational classes din

Sa panonood ko ng mga Koreanovela Salve, para palang mga Pilipino ang mga Koreano noon na talagang ang daming horror stories tungkol sa mga Japanese. Haha, akala ko tayo lang ang may mga kuwento ng pang-aapi ng Hapon, pati pala Korea, ganun din.

‘Yung pinanood kong Last Princess, talagang parang kuwento ng mga Pilipino na inaapi ang mga Koreano. Kaloka talaga na pati history lessons, sa Koreanovela mo pinapanood.

Bongga talaga how you start learning things thru the magic of cinema. Ang subtle way of telling you the story na mas malakas ang dating kesa sa sinasabi lang sa iyo. How they teach you patriotism by way of story telling thru the movies.

Perfect ang education method na ganito. Hindi forcing thru, hindi pilit at mas madaling ipasok sa utak at puso. ‘Yung good manners and right conduct, ‘yung cheating o corruptions, ‘yung karma for bad deeds, naitatawid nila by way of showing it thru films or TV shows.

Para ka na ring nag-attend ng classes, at mas entertaining pa dahil ginagawa ng mga idol mo. Kaya pala supported ng government ang showbiz nila, para na rin itong educational classes for their citizens. Wow. Talagang brilliant thinking. Salute talaga.

Ethel Espiritu may tinatagong tapang

Alam mo ba Salve na follower ko sa IG si Ethel Espiritu na nasa limelight ngayon dahil sa sinagot niya ang mga hugot ni Robin Padilla? At naalala mo ba Salve na kasabay natin sa Malaysia si SolGen Calida na man of the hour ngayon sa franchise renewal ng ABS? Small world talaga. Totoo naman iyon mga sagot ni Ethel sa mga sinasabi ni Robin, iyon issue renewal bakit biglang ilalabas mong complain tungkol sa labor?

Matagal na pala iyon kinikimkim niyang sama ng loob, bakit ngayon niya lang inilabas? So imagine na si Ethel Espiritu ay isang tahimik na babae, at very competent sa kanyang trabaho, nabigla nga ako na siya ang sumagot kay Robin. Hahaha meron palang itinatagong tapang ang mabait na si Ethel. Bongga. Si SolGen Calida naman, very simple nun kasabay natin sa biyahe. Katuwa nga na ng nandun siya sa room ni champ Manny Pacquiao, nasa isang sulok lang siya. Hindi mo kakikitaan ng anuman show of force sa posisyon niya, hindi siguro napansin ni PatP hah hah, sana nun pa nilambing na ni PatP para hindi nag-file ng quo warranto, joke joke!

Hay naku, small world talaga kaya tama si Ethel, dapat may sense ang anuman discussion at please lang, iyong issue ang pag-usapan, hindi yung magdaragdag pa ng iba pang problema na wala sa agenda. 

vuukle comment

MYRTLE SARROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with