^

Pang Movies

Gabby ayaw makisawsaw sa gulo ng showbiz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gabby ayaw makisawsaw sa gulo ng showbiz

Marami ang nakapansin, mukha raw tahimik lang si Gabby Concepcion sa mga kaguluhan ngayon sa showbusiness. Hindi mo kasi marinig na nagbibigay siya ng kahit na anong comment. Kung sabagay talaga namang ganyan si Gabby eh. Hindi siya mahilig makialam sa mga bagay na kung iisipin mo nga naman hindi siya concerned.

May mga nagsasabi naman na hindi siya concerned dahil siya ay nasa GMA-7 na, at sa totoo lang doon naman muling tumaas ang kanyang career.

Nakaalis siya sa ABS-CBN bago nagkaroon ng mga problema.

“Hindi naman sa walang concern, dahil wala man ako sa network, nandoon naman ang anak kong si KC (Concepcion), and she’s hoping to restart her career again.

“Mukha namang tutulungan siya ng network, kaya siyempre concerned pa rin tayo riyan.

“Legal issues iyan at siguro people with legal minds ang dapat na mag-usap tungkol sa mga bagay na iyan.

“Nasa pagitan na iyan ng lawyers ng network at ng government lawyers. There are those who believe puwede pa dahil may pending bill naman. There are those who believe hindi na puwede dahil expired na.

“Mayroon pa ngayong quo warranto petition, at diyan sa parteng iyan, ano man ang sabihin ng kahit na sino sa atin, kung ano ang desisyon ng Supreme Court iyon na iyon. Hindi rin naman ibig sabihin tapos na.

“Iyon ang pagkaka-intindi ko. Pero ayokong magbigay ng kahit na anong opinion about it dahil dapat sa korte na talaga pag-usapan iyan,” sabi ni Gabby. Tama naman siya.

Tatay ni James at Nadine magka-’date’ noong VDay

Noong Valentine’s day, may nakakita kay Nadine Lustre na kasama sa isang restaurant sa Makati ang tatay ng kanyang “ka-split” na si James Reid. Bukod kina Malcolm Reid at Nadine, kasama rin nila ang isang tinatawag nilang Ate Marie na confidante raw ng JaDine simula’t simula pa lamang, at ang sinasabi nilang “girlfriend” ng tatay ni James Reid na ang pangalan daw ay Belinda.

Mukhang “igina-guide” nga ng Reid Entertainment si Nadine sa kanyang career moves. Ano ang palagay ninyo?

Bading na matinee idol nilasing ang male model saka ipinasok sa hotel!

Lasing ang isang male model nang pumasok sa isang disente namang hotel sa Quezon City kasama ang isang sikat na matinee idol. Inalalayan pa nga sila ng security ng hotel nang sumakay sila sa elevator. Matagal na namang may tsismis na kursunada talaga ng medyo bading na matinee idol ang poging chinitong model na iyan, sukdulang sinasabing may girlfriend na ang model.

Valentine’s Day magkasama ang dalawa, siguro naman tapos na ang date ng model sa girlfriend niya bago siya nilasing ng bading na matinee idol at isinama sa medyo disenteng hotel sa Quezon City.

Okay naman iyan, alam naman ninyo ang Quezon City ay gay friendly talaga.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with