^

Pang Movies

Xian parang sweet na jowa!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Xian parang sweet na jowa!

Ang cute naman ng malaking bouquet na regalo ni Xian Lim kay Kim Chiu last Valentine. Ang galing ng naisip ni Xian ha na talagang pag ikaw ang nakatanggap, mabibigla ka.

Parang sweet na boyfriend si Xian at appreciative girlfriend naman si Kim.

Maganda ang set up nila, na hindi masyadong PDA at parang tahimik lang ang relasyon. Kaya siguro nagtatagal at walang nagiging malaking problema.

Pinupuri nga ni Christopher de Leon ang working habits nila Xian at Kim dahil tutok daw sa trabaho at very pleasing kasama.

Maganda naman ang Love Thy Woman na ang laki ng cast pero nasa pang hapon na slot na siguro marketing strategy ng ABS-CBN para mapalakas lalo ang kanilang afternoon slot.

Happy talaga ang aura nina Xian at Kim, araw-araw Valentine’s Day para sa kanila.

Koreanovela maraming itinuturo

Grabe sa panonood ko ng mga Koreanovela Salve, tuluyan kong na-realized na para palang mga Pilipino ang mga Koreano noon na talagang ang daming horror stories tungkol sa mga Japanese. Haha, akala ko tayo lang ang may mga kuwento ng pang-aapi ng Hapon, hindi pala, pati mga Korea ganundin.

‘Yung pinanood kong Last Princess, talagang parang kuwento ng mga Pilipino na inaapi ang mga Koreano.

Kaloka talaga na pati history lessons, sa Koreanovela mo pinapanood.

Bongga talaga kung paano ka nagkakaroon ng learnings sa panonood ng pelikula o teleserye.

Ang subtle ng way of telling you the story na mas malakas ang dating kesa sa sinasabi o binabasa mo.

How they teach you patriotism by way of story telling through movies.

Perfect ang education method na ganito. Hindi forcing thru, hindi pilit at mas madaling ipasok sa utak at puso.

‘Yung good manners and right conduct, ‘yung cheating o corruptions, ‘yung karma for bad deeds, naitatawid nila by way of showing it thru films or TV shows.

Para ka na ring nag-attend ng classes, at mas entertaining pa dahil ginagawa ng mga idol mo.

Kaya pala suportado ng Korean government ang showbiz nila, para na rin itong educational classes for their citizens. Wow.

Talagang brilliant thinking. Salute talaga.

Aileen ng Megasoft, suwerte sa negosyo

Sure ako Salve ang dami mong naagaw na coins sa blessing ng bagong building nila Aileen Go na MegaOne.

Gusto ko pa naman makita si Budingding (Maria Eleina) na nami-miss ko dahil tagal na natin hindi nakita.

Congrats Aileen, bongga ang bagong building mo na nasa heart ng Manila at malapit sa boundary ng Quezon City.

Hay naku, na miss ko talaga si Aileen ng Megasoft na gusto ko pa naman batiin dahil ang dami kong nakikitang bumibili ng Sisters napkin niya at mga adult diaper.

Lucky hands ni Aileen Go ng Megasoft pagda­ting sa negosyo kaya naman tuloy ang pag-asenso.

Congrats mama Aileen dalawin kita minsan diyan sa office mo, pasama ako kay Rose Garcia. Hahaha.

vuukle comment

KIM CHIU

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with