Maraming pamilya, tiyak na magugutom!
Vir Gonzales (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakakaalarma ang balita tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN. Maraming mawawalan ng trabaho kapag ito’y nangyari. Napakaraming artista ang napasikat ng nasabing network.

Sa pagkakataong ito na tila ginigipit ang Kapamilya network, mapupuna ang pagkakaisa ng mga artista maging ng mga taga-kabilang istasyon. Nakikisimpatya sila na sana raw ay hindi ito magsara dahil napakaraming pamilya ang magugutom.

Sana ay magkapit-kamay ang magkakapatid sa showbiz. Tulungan nating huwag mawala ang kumpanyang nagbibigay kabuhayan sa ating mga kababayan.

Relasyon nina Sheryl at Jeric, usong-uso

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matapus-tapos ang issue tungkol sa totohanang diumanong May-December love affair nina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales.

Well, magkasama kasi ang dalawa sa isang teleserye at may mga nakapansin na may kakaiba silang closeness. Maiinit din ang kanilang eksena dahil sa said series ay may affair sila.

Sabi nga ng ilang netizen, what’s wrong with it? Uso naman daw sa showbiz ang ganitong klase ng couple at very proud sila rito.

May kakaibang happiness daw talagang maibibigay ang isang aging woman sa batang lover nito.

Happy birthday…

Maligayang kaarawan sa February born ce­lebrants na sina Kris Aquino, Heart Evangelista, John Pratts, Don Umali, Baliuag councilor Tony Patawaran, Tita Nene Riego, Letty Celi, Sid Malhabor, Baby Go at Myra Manibog.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with