Docus ni Atom napansin sa NY TV awards
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

Hataw si Atom Araullo sa rami ng documentaries niya na finalists sa 2020 New York Festivals TV and Film Awards. Kahit isa o dalawa lang ang manalo sa documentaries niya, panalo pa rin si Atom at ang GMA Network at GMA News & Public Affairs.

Finalist ang documentaries ni Atom na Babies4Sale sa Best Investigative Report category at The Patient is Out sa Human Concerns category both mula sa The Atom Araullo Specials.

Finalist din ang Hong Kong Coverage of Continuing News Story sa Stand for Truth na si Atom din ang host.

Samantala, pinasalamatan ng Kapamilya viewers si Atom sa suporta nito sa ABS-CBN. Nag-tweet kasi si Atom ng “In competition, we bring out the best in each other which hopefully benefits the audience we aim to serve. In defending press freedom as one, we are the proverbial rising tide that lifts all boats. Our hearts go out to our colleagues in these challenging times. Laban lang!”

Sen. Bong umpisa na sa Agila

Ngayong Sabado na raw ang simula ng taping ni Sen. Bong Revilla ng Agimat ng Agila, ang comeback show niya sa GMA 7 at pagbabalik din niya sa telebisyon. Dapat noong Feb. 8 ang schedule ng first taping day ni Sen. Bong pero hindi natuloy dahil hinintay pang mag-storycon.

Makakasama ni Sen. Bong sa Agimat ng Agila sina Roi Vinzon, Allen Dizon at Sanya Lopez. Si Rico Gutierrez ang director ng weekly show ni Bong na director din ng Kap’s Amazing Stories.

Sabi ni Bong, kundi March ay sa April ang airing ng Agimat ng Agila at papalit sa Daig Kayo ng Lola Ko. Pinaaabangan nito ang bago niyang show na gagawin para sa mga batang audience, pero magugustuhan din daw ng adult viewers.

Location ng bahay ni Derek, tinuro ni Andrea

Hindi sinasadya, nabanggit ni Andrea Torres ang location ng gated village kung saan nagpapatayo ng malaking bahay ang boyfriend niyang si Derek Ramsay.

Nabanggit nga nito ang yayamaning village sa South kung saan under construction ang bahay nina Derek. Sabi ni Andrea, malapit nang matapos ang bahay at baka sa March, makalipat na sina Derek at ang pamilya nito.

Hindi na na-edit ang part na binanggit ni Andrea ang village at sana, hindi masyadong narinig ng viewers. Also, hindi naman siguro ikagagalit ito ni Derek considering na inaalagaan nito ang kanyang privacy.

ATOM ARAULLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with