Alden, masusubukan na sa pagho-host
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

Sunud-sunod na naman ang pagtanggap ng awards ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards. Last Thursday evening, dalawang awards ang natanggap ni Alden mula sa 4th GEMS Hiyas ng Sining Awards.  Siya ang napiling Best Actor (TV Series) para sa kanyang katatapos na inspirational drama series na The Gift ng GMA Network.

Magkasama naman sila ni Director Cathy Garcia-Molina na tinanggap ang Best Mainstream Film Awards para sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo, na si Cathy Garcia-Molina ang director, ang Hello, Love, Goodbye.

Samantala, kung masipag tumanggap ng awards si Alden, ang sipag din niyang mag-promote ng bago niyang project sa GMA Network, ang pagho-host sa musical competition for kids na Centerstage.Halatang na-miss ni Alden ang pagko-co-host niya noon kay Regine Velasquez ng reality talent show na Bet ng Bayan in 2014. 

Noon, siya ang parang journey host dahil siya ang pumupunta sa kung saang lugar ginaganap ang audition sa buong Pilipinas. After six years, siya na ang main host sa Centerstage at journey host niya si Betong Sumaya.

Judges for Centerstage sina Kapuso Diva and international singer-artist Aicelle Santos, musical director Mel Villena and Concert Queen Ms. Pops Fernandez.

Bukas, Sunday, February 16, ang pilot episode ng Centerstage at 7:40 PM pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Kyline feeling surreal sa Bituin...

Masayang ninenerbyos si Kapuso young actress Kyline Alcantara sa media launch ng bago niyang GMA Afternoon Prime drama series na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Sa story conference pa raw lamang naramdaman na niya iyon nang makaharap na niya si Superstar Nora Aunor, Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ricky Davao, Divina Valencia, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Ina Feleo at Yasser Marta. 

Higit sa lahat, ang magdidirek ng serye ay ang pamosong director na si Ms. Laurice Guillen. “Ang sarap po sa pakiramdam na binigyan ako ng GMA ng ganito kalaking project at isama sa mga malalaki at mahuhusay na artista,” nakangiting sabi ni Kyline.  “Mas lalo pang surreal nang malaman kong ang proyekto ay unang ginawa ni Ms. Aunor in 1989 sa Regal Films. Dual role po siya roon as Magnolia and Maggie, pero ngayon, si Ms. Mylene po ang gaganap na Magnolia at ako naman si Maggie. Si Ms. Aunor is Cedes, ang nanay ni Ms. Mylene at lola ko dahil anak ako ni Ms. Mylene.”

Leading man ni Kyline si Yasser.

Sa Monday, February 24 na mapapanood ang Bilangin ang Bituin sa Langit after ng Prima Donnas.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with