Derek at Andrea nagpapakaligaya sa Osaka kasama ang mga magulang!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

Pinaghandaan nang husto ni Derek Ramsay ang kanyang Valentine’s Day gift sa girlfriend na si Andrea Torres.

Mapapanood sa kanilang YouTube vlog na Andrek ang pag-iyak ni Andrea dahil sa sorpresa sa kanya ni Derek.

Pinasundo ni Derek si Andrea at clueless ito kung saan siya dadalhin. Dinala si Andrea sa isang bahay kung saan may mga dekorasyon na pang-Valentine’s tapos ay may malalaking mga letra na nakatayo sa garden na D and A with matching heart sa gitna.

Biglang lumabas si Derek na may bitbit na isang bouquet of flo­wers at doon na biglang humagulgol si Andrea.

Nag-set up pa si Derek ng isang lamesa kung saan silang da­lawa lang ang uupo at meron silang privacy.

Pinost ito ni Andrea sa kanyang Instagram at may caption na: “Thank you so much my love @ramsayderek07 !!!!!! Still can’t believe someone did all these for me Happy Valentine’s Day on #andrekvlogs this Wednesday!@shiftstudiosph”

Sa latest post ni Andrea sa IG, nasa Osaka, Japan sila ni Derek kasama ang mga magulang nila.

Winwyn handa na uling magdyowa

Ready na raw na magkaroon ng lovelife ulit ang former Reina Hispanoamericana na si Winwyn Marquez.

One year na pala ngayong February simula nang mag-break sila ni Mark Herras. Mabilis ngang naka-move on si Mark dahil ilang buwan lang ay nakarelasyon na nito ang beauty queen-actress na si Nicole Donesa noong magkasama sila sa isang teleserye.

Pero si Winwyn ay hindi muna naging priority ang magkaroon ng bagong lalake sa buhay niya at inuna muna niya ang magtrabaho.

Ngayon ay mukhang ready na si Wyn na umibig ulit. Kasama raw yan sa goals niya ngayong 2020. “If meron ‘di ba? If meron talagang dumating sa akin at ma-inlove ako sa certain someone, then, why not?

“There’s nothing to be afraid of pagdating sa love. If maramdaman mo, then go,” sey ni Wyn.

Gusto rin ni Wyn na magkaroon ng mas marami pang quality time kasama ng kanyang pamilya at patuloy ang kanyang fitness goal sa pamamagitan ng cross-fit training.

Game of Thrones star buntis na

Buntis na ang misis ni Joe Jonas na si Sophie Turner.

Kinumpirma ng E! News na expecting na ang star ng Game of Thrones sa first baby nila ni Joe Jonas.

Kinasal ang dalawa noong May 2019 sa Las Vegas pagkatapos nilang manood ng Billboard Music Award. Ang second wedding nila ay ginanap sa France noong June 2019. Ayon sa E! News: “The couple is keeping things very hush hush but their friends and family are super excited for them. Sophie has decidedly been choosing outfits to wear on and off the carpet to accommodate her changing body. They truly are the best couple. Everyone is obsessed with them together.”

Huling nakitang magkasama sina Joe at Sophie ay noong 2020 Grammy Awards kung saan nag-perform ang Jonas Brothers ng What A Man Gotta Do. Kapwa magiging busy ang mag-asawa sa taong ito, pero mukhang mag-slow down muna si Sophie dahil buntis na ito.

Sa April 2020 ay may Las Vegas residency ang Jonas Brothers. Si Sophie naman ay sisimulan ang bagong series titled Survive.

ANDREA TORRES DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with